CHAPTER 14 • Tagay

27 6 0
                                    

ANGELLE

"Congrats po!"

"Ang galing niyo, IDOL!"

"I love you, Streetwear!"

PAGKALABAS pa lang namin nila Link sa gate, mga Fangirls na nila kaagad ang bumungad sa 'min. Para na nga silang mga celebrity dahil dinumog sila kanina sa court ng mga babae para magpa-selfie lang. Well, iba talaga ang mga charisma ng mga lalaking magaling sa basketball.

Napangiti naman ako habang tinitignan silang masasayang nag-aasaran at binabati ang isa't isa, sana ganyan lang sila habambuhay. 'Yong tipong kahit may mga sarili na silang pamilya ay makikita ko pa rin silang nagha-harutan na parang magjo-jowa kahit pare-parehong 'bro' lang.

Kanina nga habang nagpa-palit sila ng t-shirt, nagpasalamat sila sa 'kin dahil sinuportahan ko sila. Hindi lang naman kasi pangalan ni Link ang inilagay ko do'n sa cartolina eh, isinama ko rin ang 'Go Senior High!' ayoko namang isipin nila Prof na tanging si Link lang ang sinu-suportahan ko.

Tinignan ko naman ang hawak ko na cartolina at napabuga ng hangin. Itatago ko na lang ito para meron akong remembrance sa intrams.

"Shit, akala ko pa naman matatalo na for the first time ang Outhrow Savage dahil ang laki ng lamang ng Grade nine no'ng third quarter." Rinig kong sabi ni John-john.

"Oo nga, pero no'ng last quarter talaga ang nagpa-bilib sa 'kin eh." Nakangising sabi ni Russel sabay sulyap sa 'kin, ugh. Baka naman?

"Naniniwala na talaga ako na dahil sa love, kaya na nanalo ang isang tao." Dagdag nito.

Napatingin naman sa 'kin ang mga kasama namin at nginitian nila ako ng nakakaloko, napatungo na lang ako at itinago ang mukha kong namumula dahil sa hiya. Shocks! Iniisip na tuloy nilang meron akong gusto kay Link dahil sa ginawa ko.

"Hey, guys. Huwag niyong asarin si Angelle, nahihiya na tuloy siya." Saway sa kanila ni Prof.

"Stop staring at her, kung hindi dudukutin ko mga mata niyo." Napa-angat naman ang ulo ko at napatingin sa gilid ko kung saan nakita ko si Link na suma-sabay sa 'kin.

Iniwas naman ng mga kasama namin ang tingin nila at palihim na nag-hagikgikan, whats wrong with them? Hindi na ba pwedeng mag-effort ang isang kaibigan?

"Kaibigan nga lang ba?"

Ugh, whats wrong with my mind? Bakit parang inaasar ako nito, sipain ko 'to palabas eh.

Tumngin naman ako sa dina-daanan namin at napalunok. Sabay tingin sa kamay kong nanginginig at pinakiramdaman ang puso kong nagha-harumentado na naman. Damn this feeling!

'Walang nagsalita ni isa sa 'mimg dalawa at pinapakiramdaman lang namin ang mga sarili. Ramdam ko ang kakaibang kaba sa dibdib ko at mga flies na nagli-liparan sa tummy ko. Itanggi ko man sa sarili ko, pero alam kong ganito ang sign na in-love ako. AT SOBRANG SAMA 'YON!

"Kumusta?" basag nito sa katahimikan na namamagitan sa 'ming dalawan.

Magsasalita ba ako?

"Ah, o-okay naman ako. I-ikaw?" dammit.

Ngumiti naman siya at ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng pants na suot nito, bago kasi kami umuwi nag-shower muna sila at nagpalit dahil puro sila pawis at ayaw naman nilang maamoy namin silang amoy pawis.

"Same," tipid nitong sagot at tumingin sa 'kin. "Anyway, thanks for your effort. Hindi ka ba na paos?" tanong nito.

Ipinaalala niya pa sa 'kin ang kagagahan na ginawa ko eh, argh. Sino ba nakaisip na sumigaw-sigaw ako at gayahin si Athena sa pagche-cheer kay Kenji?

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon