CHAPTER 22 • Hero is a Father

14 4 0
                                    

ANGELLE

WEEK HAD PASSED at mas lalong napapalapit na ang agham. Pero kahit kasali si Link hindi niya hinayaan na mawalan siya ng oras sa 'min. Feeling ko nga sinadya niya 'yon kasi ayaw niyang magalit ako at isiping walang oras sa 'min. Naiintindihan ko naman na siya ngayon eh. Naiintindihan ko ang gusto niyang mangyari.

"Arrrrgh! Ka-bad trip naman oh! Bakit kailangan pa natin mangalakal?!" Ate Jove grunted.

I sighed and lick my lips.

"Parang hindi ka na nasanay taon-taon, Jove." Sambit ni Russel.

"Grabe naman kasi! First time in my life na mangangalakal ako kasama ang mga kaklase ko para lang sa Agham!" saad nito.

Sinulyapan ko naman si Link na katabi ko at nakitang abala ito sa ginagawang takdang-aralin. Geez, hindi niya ako maka-usap dahil sa takdang-aralin niyang hindi niya ginawa sa bahay nila! Ano ba kasing ginawa niya buong araw at hindi ginawa ang assignment niya?!

"Ate Jove, masaya naman 'yon ah. Bonding niyo na rin ang pangangalakal." Natatawang sabi ni Lica sabay subo ng spaghetti.

Napanguso naman ako at tumingin sa pagkain ko. And now, out of place ako dahil ang katabi kong lalaki ay abala.

"Eeeeh, ang pangit namang bonding!" reklamo nito.

"Arte mo naman!" irap ni Lica kay Ate Jove na sumimangot.

"Angelle, balita ko magkasama raw kayo ni Ernest na mangangalakal ah?" umangat naman ang ulo ko at nagtatakang napatingin kay Kervin ng tanungin niya ako.

Anong pinagsasabi nito?

"Ha?" taka kong tanong, binigyan naman ako nito ng "sumakay-ka-na-lang-look" na kaagad kong na gets.

Napatingin naman ako kay Link na nakatingin na sa 'kin. Balak ba ni Kervin na pagselosin si Link?

"Bakit may problema ba do'n? Mangangalakal lang naman kami," sabi ko at kumagat sa fries ko.

"Mangangalakal lang ba talaga?" pang-aasar ni John, epal 'to eh.

"Tch!" singhal ko at hindi na sila pinansin.

Gusto ko sana ang trip ni Kervin na pagselosin si Link, pero nakakainis at nakakawalang gana kapag nakikita mo naman itong hindi nagse-selos.

"Oy, Link. Okay lang sa 'yo na magkasama si Ernest at Angelle?" tanong ni Wendell kay Link.

Napatingin naman kami dito. Hindi pa rin ito tumitigil sa paggawa sa takdang-aralin pero sinagot nito si Wendell.

"Bakit ako magse-selos?"

Napalunok naman ako sa sagot nito.

"Par, nililigawan mo si Angelle. Siyempre, kung ako ang manliligaw nito, ayokong may ibang lalaking kasama ito maliban sa 'kin." Saad ni Wendell.

"Nanliligaw pa lang ako kay Angelle, hindi ko pa siya pagma-may ari." Tugon nito at sinulyapan ako saka siya ngumiti. "Kasi alam ko naman na, hindi ako ipagpapalit ni Angelle." Kindat nito, napaismid naman ako at inirapan ito.

"Asa!" asik ko na mahina nitong ikinatawa sabay simangot.

"So, may posibilidad ba na ipagpalit mo ako?" seryosong tanong ni Link.

"Tch! Paano kung oo, may magagawa ka ba?" mataray kong sabi.

Itinigil naman nito ang paggawa ng assignment at inilapit ang mukha niya sa 'kin na palagi niyang ginagawa.

"Kaya mo ba?" pangha-hamong tanong nito sa 'kin.

Napangisi naman ako. "Gusto mo gawin ko?" napabuntong hininga naman ito saka ibinalik ang pansin sa ginagawa.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon