CHAPTER 37 • Dare

20 3 0
                                    

ANGELLE

KRIIIIIIING!

WHEN THE time strike to 7AM. My alarm clock ring as if wala na talagang bukas na ikinainis ko. Seriously? Sa 18 years of existence ko rito sa mundo ngayon lang ako nainis sa alarm clock ko na two years ko ng ginagamit.

Bakit parang ang boring ngayong araw? Nakakapanibago rin ang tahimik sa baba. Kasi usually 6AM pa lang nakabukas na ang tv at nanunuod na si mama ng UMAGANG KAY GANDA na paborito niya. Pero unusual dahil wala akong marinig kahit tunog sa kusina o naglalakad na paa.

Bumangon ako sa kama at chineck ang phone ko. Pero wala namang message kahit isa. I mean may message naman pero TNT lang. Expire na raw load ko. Rawr, wala na akong pang-text.

Nang makarating ako sa sala. Napanguso ako, o-kay? Bakit pinalitan ni mama ng pink ang mga kurtina namin? Iba rin ang ayos ng sala namin. Ano bang meron?

Pagkatapos ko siyasatin ang sala. Pumunta naman ako sa kusina. Wala ring tao at malinis ito. Saan nagpunta sila mama?

Kaysa mag-isip nang mag-isip. Kumain na lang ako. Meron naman kasing hotdog sa ref kaya no choice ako kundi ang magluto para sa sarili.

Habang kumakain ako. Ang weird lang sa pakiramdam mag-isa. Bakit ang aga naman nilang nawala? Agh!

Pagkatapos kumain. Bumalik ako sa kuwarto ko at kumuha ng damit saka naligo. Saan kaya sila? Hindi man lang nila ako ginising para magpaalam. O wala man lang silang text o note na iniwan para magpaalam.

Hanggang sa matapos ako lahat-lahat. Isang tanong lang ang umiikot sa isip ko ang; nasaan sila? clueless ako. Mukha na nga ata akong baliw dito. Naghahanap ng palatandaan kung saan sila pumunta. Imposibleng mamalengke sila, marami pa kaming stuck sa kusina saka— agh!

Binuksan ko na lang ang tv at nanuod na lang ng variety show. At sakto rin ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Hero dala ang LEGO niya. Nang makita niya ako. Nanlaki ang mata niya na nakatingin sa 'kin. Mukha pa ba akong zombie? Grabeng reaction ah.

"Bakit? Magulat ka riyan parang aswang ako ah?" mataray kong tanong dito.

"G-gising ka na?" imbes na sagutin niya ako. Tinanong niya ako.

Hindi niya ba expected na gigising ako?

"Mukha ba akong na coma?" tanong ko rito.

Napakamot naman siya sa batok niya at bumungisngis. Saka lumapit sa 'kin at pinat ang balikat ko na ikina-kunot ng noo ko. O-kay? Whats wrong with this supot guy?

"Ate, hindi ka mukhang naka-coma. Ang ibig ko lang sabihin ay gising ka na." Inirapan ko naman siya.

"Saan kayo galing nila mama?" tanong ko.

"Kina mommy."

Napabuga naman ako ng hininga. Bakit hindi ko naisip 'yon? Sadyang weird lang talaga para sa 'kin ang araw na 'to.

Tumuloy naman si Hero sa kusina at napadako ang tingin ko sa kalendaryo. Oooooh! Kaya naman pala ang weird ng feeling ko ngayon. Matanda na akooooOooooo!

Geez. Ano pa bang aasahan ko? Tao ako, eh. Buti kung alien ako kagaya ni Xhy. Kasi hindi ako tatanda pero hindi.

"Ate, punta lang ako kina mommy. Sabi ni mama punta ka raw kina Kuya Link." Nilingon ko naman si Hero.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon