CHAPTER 9 • Confuse

33 7 1
                                    

ANGELLE

MABILIS na lumipas ang oras, araw, at linggo. Nagulat na lang nga ako na sa thursday at friday na ang first examination namin. Imagine parang kahapon lang no'ng unang araw namin sa klase tapos sa thursday exam na namin. Sa mabilis na araw rin na iyon, maraming nagbago gaya na lang ni Ate Jove at Andre na palagi na lang nag-aaway, kung magbabati man sila saglit lang pero kapag meron na namang mapag-aawayan pataasan ng pride nilang dalawa.

Si Lica naman, maganda ang love life niya. Bukod sa araw-araw siyang nakakatanggap ng chocolates from her classmates meron 'din siyang crush na 'nerd' na lalaki. Hindi naman gano'n ka-gwapo 'yong lalaki pero ang cute nito, palagi ni Lica 'tong sinasamahan mag-lunch dahil lonely para ngang asong habol nang habol si Lica eh pero okay lang daw sa kanya dahil gusto niya ito. Kunti na lang magiging proud, Sistah na ako. Imagine, sa tagal naming magkasama ni Lica ngayon lang siya na baliw sa totoong tao at hindi anime.

Sila Prof, mas lalo ko pang naging close. 'Yong tipong hatid-sundo na nila ako. Ayaw na kasi nilang maulit 'yong biglang paghalik sa 'kin ng estranghero. Pumayag na rin si Papa na hindi na ako magse-service dahil marami akong kasama.

Si Isiah stay suitor pa rin ang ganap. Hindi na rin siya palaging nakakapunta sa bahay dahil busy sa pag-aaral pero hindi niya pa rin ako tinitigilang pakiligin, pinapadalhan niya ako ng mga bulaklak at sweet sms.

Sa mabilis na paglipas ng araw, unti-unti naman akong napapalapit kay Link. 'Yong tipong daig pa namin ang mag-best friend na nagpapatayan. Mahilig kasing mantrip ang lalaki na ayaw ko sa lahat. Sinabi rin sa 'kin ni Link na tinigilan niya na si Gipsy. Kaya everytime na nakikita kami nito, kung makatingin akala mo kakain ng tao. Hindi ko na lang ito pinansin dahil wala rin naman akong makukuha kung makikipaglaban ako dito, saka hindi naman ako warfreak kaya hindi ko pinapansin ang mga nakaka-away ko. Mapapagod rin sila!

"Small bag lang ba kayo bukas?" tanong ni mama habang kumakain kami nang pang-hapunan.

"Opo, ma. Test lang naman eh," tugon ni Lica.

"Tandaan niyo kapag, hindi niyo alam ang sagot choose letter D."

Napairap naman ako sa sinabi ni mama, palagi niyang ibinibilin sa 'min na kapag hindi namin alam ang sagot letter D ang piliin namin. Ilang beses ko nang sinusubukan 'yon pero mali rin naman eh, karamihan pa ngang letter ang tumatama ay B. Pero hindi ko na kailangang umisip kung ano ang isasagot ko dahil hindi na kami multiple choice dahil kailangan alam na mismo namin ang sagot sa tanong na nasa paper. Hindi mo gugustuhing maging Senior high.

"Angelle, anong balak mo sa debut mo?" napa-ubo naman ako ng biglang itanong 'yon sa 'kin ni Mama.

"Ma! Ayoko nga po mag-debut," reklamo ko.

"Ate, masaya kaya kapag nag-party party!" sabat naman ni Jr.

"Excuse me? Gastos lang 'yan." Irap ko.

"Hindi, Sistah. Marami akong kakilala na mas gugustuhin nila mag-debut kaysa perahin ang dapat ipagpa-party." Turan naman ni Lica.

Ayoko nga kasi mag-debut dahil ayokong sumayaw ng kahit sinong lalaki, I mean okay naman 'yon pero hindi ako sana'y.

"Gusto nang Papa mo na mag-debut ka, ayaw mo ba makasayaw si Papa mo?" tanong ni Mama.

"Gusto, pero kasi—" hindi ko naman natuloy ang sasabihin ko ng magsalita si Lica.

"Ayaw mo rin ba makasayaw si Kuya Link?" Ngumiti ito nang mapang-asar.

"Anong pinagsasabi mo diyan?" Mataray kong tanong.

"Sows, umamin ka na. Sistah, nanliligaw na sa 'yo si Kuya Link." Napairap naman ako.

"Enemy lang kami ni Link at pwede ba? Hindi ko type si Link," saad ko at sumimsim ng tubig.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon