CHAPTER 15 • Confrontation

26 6 0
                                    

ANGELLE

ALAS y kuwatro na nang hapon ng matapos si Papa at Link sa pag-iinuman. Natapos lang ang inuman nila ng bumagsak na si Papa at nakatulog sa sofa. Natawa na nga lang si Mama dahil natalo ni Link si Papa. Imagine first time ni Link uminom pero mas nauna pa si Papang na lasing kaysa sa kanya at nakatulog.

Napatingin naman ako kay Link na nakapikit ang mga mata habang nakasandal ang likod sa backrest ng couch.

"Sistah, i-uwi muna si Kuya Link para palitan mo na rin ng damit." Sabi ni Lica na nakatayo sa tabi ko.

"Sheesh, ikaw kasi ang may kasalanan dito eh. Kung hindi ka nagsasalita kay Papa, hindi niya ito kakausapin at hindi malalasing si Link." Inis kong sabi.

"Duh, bakit hindi mo tanungin si Kuya Link? Nag-text kaya sa 'kin 'yan at tinanong kung nandito na si Papa, edi sinabi ko ang totoo. Ano bang pinag-usapan niyo sa labas?"

In-alam ni Link kung nandito si Papa? Ibig bang sabihin, siya lang talaga ang gumawa ng alibi para makapunta dito at mismong makausap si Papa?

Napabuntong hininga naman ako at saka lumapit kay Link. Napatakip naman ako ng ilong ng maamoy ang hininga nitong amoy alak. Tinapik ko naman ito at ginising, bahagya niyang iminulat ang mata at tinignan ako.

"Angelle," tawag niya sa pangalan ko.

"Umayos ka diyan at nang mahatid na kita sa inyo." Mataray kong sabi.

Dahan-dahan naman itong umayos ng pagkaka-upo at saka tumingin kay Papa.

"Tulog na si Tito?"

"Hindi ba obvious? Ang tagal niyo kasi kung mag-inuman eh, akala niyo wala ng next time." Irap ko.

"Masaya kasi kausap si Tito, naalala ko lang si Papa sa kanya." Malungkot nitong tugon kaya napatingin ako sa kanya.

Err— Angelle naman eh, tinatarayan mo si Link samantalang nagsa-saya lang siya dahil namiss niya ang Papa niya.

"Halika i-uuwi na kita," sabi ko at tinulungan siya sa pagtayo.

Nang makatayo na siya, nagpaalam ako kay Mama para ihatid si Link at saka ko inalalayan maglakad ang lalaki. Pagkalabas namin ng bahay, nakasalubong namin si Cacai na may dalang plastic bag. Nagulat naman ito ng makita si Link na lasing.

"Anong nangyari kay Kuya Link?" tanong ni Cacai.

"Nakipag-inuman kay Papa, ayon parehong dedbats." Tugon ko na ikinahagikgik ni Cacai.

"Nanliligaw na pala si Kuya Link sa parents mo, be?" ngumuso naman ako bago tumango dito bilang sagot. "Nakapag-paalam na siya?" dagdag pa nito.

"Oo, be." Napangiti naman si Cacai.

"Oh, anong sabi? Pumayag sila Tito?" maliit naman akong ngumiti bago tumango. "Ayiee! nililigawan na siya ni Kuya Link!" pang-aasar nito.

"Tigilan mo nga ako diyan, Cai. Alam mong ayoko kay Link 'di ba?" ngumiwi naman si Cacai.

"Sus, bibig mo lang ang nagsasabi niyan pero puso mo ang isinisigaw 'GUSTO KO SI LINK!' kilala na kita, be." Saad ni Cacai.

"Basta, ayoko!" sabi ko.

Ayoko pero alam kong gusto ko, I'm such a lame person!

"Naku! Baka ikaw pa ang maghabol-habol kay Kuya Link kaya huwag kang magsalita ng hindi tapos diyan."

"Nah, basta ayoko. Saka hindi ako magha-habol sa kanya 'no, sino ba siya? Hype Beast lang siya." Natawa naman si Cacai.

"Oo, be. Hype Beast lang siya pero siya 'yong Hype Beast na mamahalin ka habambuhay." Natatawang napailing ako sa mga pinagsasabi ni Cacai.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon