EPILOGUE

32 3 0
                                    

ANGELLE RENZLYN SERRANO

"Yucks! Bakit hype beast? Balak mo maging cancer?"

"Mga salot sa lipunan, si Jose Rizal nagpa-baril sa Luneta para sa 'tin tapos sa isang hype beast ka lang magmamahal."

"Porma lang ang alam ng mga 'yan, ang babaduy naman!"

"Pwe! Sino ba sila? Mga taong walang ginawa sa buhay kundi ang pumorma lang at makipag-yabangan ng porma?"

To tell you frankly, hindi nila sinasadya kong bakit nandidiri ka sa kanila dahil cancer sila? At bukod sa lahat, paano sila naging salot? Ikaw nga na hindi hype beast nakakagawa ka nang dahilan para masira ang reputasyon ng bansa. Kumusta scandal niyo? At kung naba-baduyan ka? Bakit sinabi ba nilang tignan mo sila? At huli para sa 'yo, par. Hindi sila naging "hype beast" para lang makipag-yabangan ng porma, subukan mo silang lubos kilalanin? Makikita at malalaman mo kung ano talaga ang pinaka-purpose nila sa pagiging hype beast.

Alam mo 'yong pakikipag-kapwa tao? Ayon ang ginagawa nila. Hindi mo kasi alam 'yon kasi hindi ka naman nakinig sa E.S.P niyo. Ang pakikipag-kapwa tao ang isa sa rason ng pagiging hype beast nila, gusto nilang makilala ang iba pang kabataan. Hindi para makipag-yabangan o makipag-basag ulo kundi para makipag-kaibigan o magkipagtoto. Gusto nilang pumorma at magkaroon ng mapayapang samahan ng kabataan, pero tinitignan niyo lang ito na parang basura. Kung meron kang kilalang hype beast na nakikipag-basag ulo, hindi siya hype beast kundi feeling beast. Iba sila kung nakilala mo. Kaibigan? Gusto mo ng totoo, right? Hindi 'yong peke at made in China? Sa kanila ka makakakita.

Nakita ko ito sa hype beast na kilala ko, kahit na meron silang hindi pagkaka-unawaan. Nandiyan pa rin 'yong "words" na "pag-aalala" at "tiwala" na hindi mo basta-basta mawawasak. Sila 'yong tropa, barkada na kahit siraan mo, hindi mo magagawa. Kasi nga mas matatag sila sa muscle at bato, pinapahalagahan nila ang kaibigan kasi alam nilang sa panahon ngayon marami nang Made in China.

Hindi porket hype beast sila, kailangan niyo na silang sabihan ng "salot" sino kaya sa inyo ang salot? Tao rin sila, nasasaktan. Tanging kailangan lang naman nila ay ang pag-unawa at pagtanggap sa kanila ng lipunan.

"Mommy Shark!" napalingon naman ako ng marinig ang pagsigaw ni Link mula sa sala.

Nandiyan na siya? Akala ko ba mamaya pa ang uwi niya, ang aga naman. Ano ba naman 'yan? Hindi pa ako makakapanuod ng horror.

"Bakit?" tanong ko.

"Nasaan ka?!" galit niyang tanong.

"Nasa banyo, bakit gusto mong sumama?" pang-aasar ko rito.

"Bilisan muna riyan!" inis niyang sabi.

"Opo! Maghintay ka!" sigaw ko rin.

Bakit ba parang meno-pause ang lalaking 'yon? Akala mo naman siya ang buntis. I-share ko sa kanya itong bola sa tiyan ko, eh.

Nang matapos ako, paglabas ko naabutan ko siyang parang tangang pabalik-balik sa paglalakad. Ano bang nangyayari sa kanya? Natatae ba siya or what?

"Hoy! Ano natatae ka ba?" tanong ko dahilan para mapahinto siya at mapatingin sa 'kin.

Mabilis naman siyang lumapit sa 'kin at niyakap ako. Napakunot naman ang noo ko at ginantihan siya ng yakap. Nang humiwalay siya, hinaplos ko ang pisnge nito.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon