CHAPTER 39 • Its a Love Story

18 3 0
                                    

ANGELLE

PAGKATAPOS NANG masayang oras ko. Natapos 'din ito at nag-uwian na ang mga taong pumunta. Samantalang ang mga kaibigan ko ay nandito pa rin at tinutulungan ako para buksan ang mga regalo. Balak 'din daw nila manghingi kapag may maganda silang nakita.

Nagpalit na rin ako ng loose white t-shirt at short. Ang bigat ng gown pero gusto ko.

Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinanap si Link pero wala. Nasaan na naman ba si Link? Wala na naman siya. Pati si Lica, wala rin. Magkasama ba silang dalawa?

Paiinumin nga sana sila ni Papa kaso tumanggi naman sila. Well, umiinom naman sila except kay Link at alam kong ayaw lang nilang ipakita ito kay Papa.

Masaya ako ngayon. Pero bakit parang may kabang namumutawi sa dibdib ko? Sabi nga nila kapag masaya ka ay may malungkot na darating sa 'yo. Opposite ng nararamdaman mo ngayon. Naalala ko na meron pa lang sasabihin sa 'kin si Link. Pero nasaan na siya?

Pagbukas ko ng isang regalo. Napangiti naman ako ng makita ang isang sweater na color blue. Sino kaya nagregalo nito? S/he know my taste.

"Angelle, hulaan mo kung sino sa 'ming mga hype beast ang nagregalo niyan?" sabi ni John. Hype beast sila?

Ah. So, isa sa mga hype beast ang nagregalo nito sa 'kin?

"Um... ikaw?" umiling naman siya. "Sino?" tanong ko at tumaas naman ng kamay si Prof.

"Ako, wala kasi akong alam sa panregalo o magugustuhan ng babae." Napangiti naman ako.

"Ang cute nga, eh. Sobrang nagustuhan ko," sabi ko naman. "Thank you," dagdag ko pa.

Napangiti naman si Prof at nahihiyang napakamot sa batok. Binuksan ko pa ang ilang regalo hanggang sa makabukas ako ng isang regalo na hindi ko inaasahan. O-kay?

"HAHAHAHAHAHA!" nagtawanan naman sila ng makita ang hawak ko.

Napatingin naman ako kay John at lahat naman sila ibinaling ang tingin kay John na bahagyang itinago ang mukha niya. Shet! Paano niya naisipang iregalo sa 'kin ang Chooks-to-go?

"John, ayan na ba ang nagagawa ng mga taong tamad bumili ng regalo?" natatawang tanong ni Russel.

"Hehe, hindi naman. Wala pa kasi akong pera," napairap naman ako sa rason niya.

"Loko ka talaga," sabi naman ni Wendell.

"Okay lang naman ang regalo ni John, ah." Sabi ko, lumapad naman ang ngiti ni John.

"Oh, okay naman daw ah."

"At least may ulam na ako."

Nagtawanan naman ang mga kasama namin. Sakto namang pumasok si Link na naka-poker face. Tumingin naman siya sa 'kin at hinila ako patayo, napatingin naman ako sa mga kaibigan namin at nginitian sila.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Link kaya naman nagpahila na lang ako. Hanggang sa makarating kami sa ilog. Kung saan muntik na akong ma-rape, nang maalala 'yon bigla akong natakot. Anong ginagawa namin dito ni Link?

Naramdaman siguro ni Link ang paghigpit ng hawak ko kaya naman huminto siya at tinignan ako.

"Okay ka lang?" mukha ba akong okay?

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon