CHAPTER 41 • Never Give Up!

16 3 0
                                    

ANGELLE

WALA BA talaga siyang balak tigilan ako? After what he did, hindi ba siya nahihiya na magpakita sa 'kin araw-araw? I know to myself na gustong-gusto ko siya makita. Dahil hanggang ngayon, siya pa rin ang itinitibok ng punyeta kong puso, pero iba na ngayon. Oo, mahal ko siya pero ayoko na. Tama na muna 'yong sakit na nararamdaman ko ngayon, ayoko na makarinig muli ng kasinungalingan. Dahil pagsisinungaling niya pa lang parang busog na ako at kung meron pa sa susunod hindi ko alam kung kakayanin pa ba ng puso ko.

Kahapon isinalang na naman ako sa test para tignan kung bakit bumuka na naman ang butas sa puso ko. Nagsimula ito noong Grade 4 ako kung saan sumikip 'yong dibdib ko habang nagdi-discuss ang adviser namin. Dinala ako sa hospital at doon namin nalaman na merong butas ang puso ko.

Ang sabi pa ni Papa sa 'kin. Simula raw ng baby ako palagi akong nagkakasakit pero hindi nila alam na merong butas ang puso ko dahil sobrang liit pa raw nito. Habang lumalaki ako, lumalaki rin ang butas na maaring maging dahilan para mamatay ako. At no'ng Grade 7 ako, inoperahan ako at tinahi ang puso ko. Pero kahit nakatahi na ito at nakasirado, binalaan pa rin ako ng Doctor na huwag damhin lahat ng nararamdaman.

Bawal ako makipag-away, bawal akong magalit ng husto, at bawal akong maging emotional ng todo dahil maaring bumuka muli ang puso ko. Kaya no'ng na involved ako sa away ni Gipsy at Link, hindi ko masyadong dinamdam ito kahit masakit. Nakalimutan ko siguro o sadyang hindi ko pinansin ito kaya bumuka na naman.

Hindi ko alam kung anong maaring mangyari sa 'kin. Gagastos na naman sila Papa para sa 'kin, mababawasan na naman nila ang ipon nila. Bakit ba ang laking gastusin ko? Ako ang dahilan kung bakit kami humihirap, umaangat na nga kami ngayon tapos sa isang iglap bababa na naman kami.

Napahawak ako sa puso ko ng kumirot ito. Kung mamatay na lang ako? Libing lang ang maaaring gastusin nila Papa at mama at hanggang do'n na lang 'yon. Hindi na muli silang gagastos pa.

"Sa tingin mo ba matutuwa sila? Ipagtatayo mo pa sila ng sarili nilang bahay."

Nangako ako sa sarili ko na bago sila mawala sa 'kin at bago ako mag-asawa. Bibilhan ko sila ng sarili nilang bahay para kahit sa simpleng bahay ay nakaganti ako sa kanila. At ayokong iwan sila, hindi ko kakayanin kung makikita silang malungkot.

Napabuntong hininga naman ako. At napatingin ako sa pink rose na nakalagay sa bed side table. Tch, akala niya ba makukuha niya ako sa simpleng bulaklak?

Hindi pa ba siya nagsasawa? Hindi pa ba siya pagod? Halos dalawang araw na siyang palaging bumibisita sa hospital. Naisip niya bang naiinis na ako?

Napatingin naman ako sa pinto ng bumukas ito. Pumasok naman si Lica dala ang isang basket ng prutas at kasunod niya si Link. Na naman? Wala talagang kapaguran ang lalaking 'to!

"Ano na namang ginagawa niyan dito?!" inis kong tanong kay Lica. Nakita ko pang medyo nagulat si Link pero wala akong pakialam.

"Sistah, sabi naman ni Mama na okay lang daw na papasukin si Kuya Link dito." I roll my eyes.

"Okay nga kay Mama pero sa 'kin, okay ba? Ni hindi nga ako pumayag." Saad ko at masamang tinignan si Link.

"Si Mama naman ang masusunod dito, ang bilin sa 'kin ni mama papasukin ko si Kuya Link para raw bumilis ang paggaling mo." Napatingin naman ako kay Link at bigla na lang ito namula. Bakla!

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon