CHAPTER 42 • I Love You Never Forget That

25 3 0
                                    

ANGELLE

"Doc, hindi po ba pwedeng pagkatapos na lang ng bagong taon siya operahan?"

"Pasensya na, Misis. Pero sa lagay niya, kailangan niya ng bukas ma-operahan kung hindi, kapag muli na namang sumikip at kumirot ang dibdib niya ay hindi na siya maaaring magising."

MALAKAS NA hagulhol ni Mama ang umalingawngaw sa kuwarto ko. Nakatagilid ako sa kanila at hindi ko mapigilang hindi mapahagulhol ng patago. So, bukas na ako ooperahan? May tiyansang hindi na ako magising o hindi naman matutulog ako ng matagal na panahon.

Inatake kasi ako kaninang madaling araw. At ngayong hapon na ako nagising.

"Gawaan niyo naman ng paraan ang anak ko, Doc. Ayaw namin siyang mawala!" rinig kong iyak na sabi ni Mama.

Ang sakit marinig at makita na lumong-lumo ang parents mo. Hindi mo sila kayang i-comfort dahil alam mong mas masasaktan sila kapag ginawa mo. Kailangan mas maging malakas ako sa kanila at hindi ipakita na nahihirapan at nawawalan na rin ako ng pag-asa.

May mga gusto man akong sisihin, hindi ko magawa. Kasi alam ko sa sarili ko na hindi naman nila sinadya ang pananakit sa 'kin. Kung hindi lang sana ako naging emotional, hindi muling malalagay sa panganib ang buhay ko.

"Gagawin po namin ang lahat. Huwag po kayong mag-alala, sige po, mauna na ako." Rinig kong paalam ng Doctor at narinig ko naman ang pagbukas at pagsara ng pinto.

"Ano ng gagawin natin? Ito na naman tayo sa aasa kung maaari pang maka-survive ang anak natin sa operasyon!" sabi ni Mama kay Papa.

"Makaka-survive ang anak natin. Huwag ka sanang mawalan ng pag-asa, ibinigay siya sa 'tin ng diyos at hindi niya hahayaang mawala kaagad ito sa 'tin." Saad ni Papa at dinaluhan si Mama.

Naalala ko 'yong kuwento ni Papa at Mama. No'ng bago pa lang silang mag-asawa, nangarap na silang magkaroon ng anak pero hindi sila na bigyan kahit isa. Kaya pumunta si Papa sa simbahan at lumuhod ito hanggang sa makarating siya sa altar. Then after 6 years, dumating na ako sa buhay nila na lubos nilang ipinagpasalamat.

Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa kanila kapag nawala na ako. Importante kaming mga anak sa kanila, kaya sila nabubuhay ay para sa 'min. Pero paano kung isa sa 'min ay mawala?

Narinig ko namang inilabas muna ni Papa si Mama para pakalmahin. Si Lica at Hero umuwi na sa bahay dahil wala silang maayos na tulog dahil sa pagbabantay sa 'kin. At saka nag-aasikaso na rin sila para sa bagong taon.

Pinunasan ko ang basang pisnge at napatingin sa kisame saka bumuga ng hangin. December 31 na bukas, hindi man lang ako makakapag-bagong taon. Ayaw nga sana nila mama na sila lang ang mag-bagong taon pero hindi ako pumayag at sinabing mag-celebrate sila kahit wala ako. Kasi gusto ko kahit na wala ako, masanay na sila sa maaaring mangyari.

TOK! TOK! TOK!

Napatingin naman ako sa pinto ng may kumatok dito. Sino naman 'yon? Kasi kung si Mama at Papa ang nasa likod ng pinto na 'yan, hindi na sila kakatok. Hindi ako nagsalita hanggang sa dahan-dahang bumukas ang pinto, sumilip ang isang babae na naka-ponytail ang buhok at nang magtama ang mga mata namin. Bigla na lang siyang naluha at lumapit sa 'kin.

Hindi ko na rin napigilan pa at naluha na rin ako na ayokong ginagawa sa lahat pero wala... emotional ako, kaagad akong naluluha sa simpleng dahilan.

"Sorry, Couz. Hindi ko ginusto ang ginawa ko sa 'yo! Sorry!" umiiyak na sabi ni Ate Jove habang nakayakap sa 'kin. "Sorry, minahal ko si Link. Sorry, couz. Promise hindi ko na aagawin sa 'yo si Link! Couz, patawarin mo ako!" saad niya.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon