CHAPTER 17 • Love Letter

23 5 0
                                    

ANGELLE

PAGGISING ko nang lunes, sobrang sama na ng pakiramdam ko. 'Yong tipong parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit at sinamahan pa ng pag-atake ng sipon. Sinabihan nga ako ni Mama na huwag na munang pumasok at magpadala na lang ng "excuse letter" pero pumasok pa rin ako, ayoko kasing may makaligtaan ako sa mga Lesson namin lalo na at mahirap humabol sa bawat lesson.

"Okay ka lang, Angelle?" tanong ni Kervin habang naglalakad kami.

Tumango naman ako. "Sinisipon lang ako,"

"Bakit pumasok ka pa?"

"Ayokong mawala sa lesson," napangiwi naman 'to sa dahilan ko.

"Classmate mo naman si Prof ah? Pwede mo naman kopyahin ang lesson niyo ngayon,"

"Nah, mas gusto kong naririnig at napag-aaralan ko." Natatawang napailing naman si Kervin.

"Ibang klase rin pala itong soon-to-be-girlfriend ni Link eh," sinamaan ko naman ito ng tingin.

Simula kasi nang malaman nilang pumayag na akong manligaw si Link. They always teased me. Inaasar nila akong "soon-to-be-girlfriend" ni Link.

"Shut up!" asik ko dito at nag-peace sign lang ito.

"Hoy! Kervin, anong ginagawa mo kay Angelle? Baka magalit sa 'yo si Link!" sabi ni Prof na kasama rin namin sa paglalakad.

Si Ate Jove, Andre, Lica at ang iilang Hype Beast lang ang kasama namin ngayon sa paglalakad papuntang School. Hindi kasi naka-sabay sa 'min si Link dahil maaga pa lang ay pumunta na ito sa School para mag-practice ng Basketball. Ilalaban na kasi sila sa ibang School next week kaya super-todo na ang pagpa-practice nila.

Hindi ko ba alam dito kina Prof at mas ginustong sumabay sa 'min kaysa mag-practice ng maaga.

"Alam niyo lahat na lang nang galaw ko, palagi niyong iniisip na mali. Wala na ba akong maayos na nagawa?"

"Gago, huwag kang mag-drama." Natatawang sabi ni Wendell dito.

"Tanga, Kalbo. Hindi ako nagda-drama, sinasabi ko lang ang nakikita ko." Sabi ni Kervin.

"Muntanga ka, Kerv. Palagi ka kasing nakadikit kay Angelle kapag kasama natin siya eh, nagseselos kaya si Link." Sabat ni Russel.

"Alam ko 'yon, hayaan niyong magselos ang batang 'yon. Tignan natin kung gaano niya ba talaga ka-gusto si Angelle," napailing naman ako sa sinabi nito.

"Alam niyo para kayong tanga diyan, kung Mahal talaga ni Link ang pinsan ko. Aba! Maghirap muna siya!" saad ni Ate Jove.

"Panira ka talaga, Yam. Hayaan mo na si Link na dumiskarte sa panliligaw kay Angelle, saka alam naman naming magkakatuluyan 'din ang dalawa bandang huli eh." Sabi naman ni Andre kay Ate Jove.

"How do you know? Fortune teller ka ba?"

"Tch! Kahit hindi ako fortune teller, alam kong si Angelle at Link ang magkakatuluyan."

"Wala kasing forever!"

Ang bitter naman ni Ate Jove, may boyfriend na lahat-lahat wala pa ring forever para sa kanya?

"Meron, sa 'tin lang wala." Napasapo naman kami nila Prof sa noo ng bumanat 'din si Andre.

Hindi niya naisip na iba ang ugali ng Girlfriend niya eh. Toyoin.

"Edi fine! Gusto mo ngayon pa lang tigilan na natin ito eh!" sabi ni Ate Jove at naglakad na palayo.

"Bahala ka sa buhay mo!" sigaw 'din ni Andre.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon