CHAPTER 38 • Happy 18th Birthday

22 3 0
                                    

ANGELLE

PAANO NA AKO?

Ayan kaagad ang tanong na lumabas sa isip ko ng magising ako. Hindi ko alam kung nasaan na ako, bukod sa nakatali ako at nakasuot ng mabigat na damit naka-blindfold ang mga mata ko. Sinong hayop naman kaya ang gumawa sa 'kin nito?

"Babalatan ba natin siya ng buhay?" narinig kong tanong ng isang lalaki. At 'yong boses niya naka-voice changer.

Mahahalata mo 'yon lalo na kapag malinaw ang pandinig mo. Nangilabot naman ako sa tanong nito. Babalatan ako ng buhay? BAKIT AKO? WALA NAMAN AKONG KASALANAN AH?

Nagpupumilit ako pumiglas pero naging dahilan 'din ito para makita nila ako. "Gising na siya," sabi pa ng isang boses. Ngayon naman maliit ang boses nito na parang chipmunks.

"Anong kailangan niyo sa 'kin?!" tanong na sigaw ko sa kanila.

"Wala kaming kailangan sa 'yo. Kailangan mo lang makapunta sa importanteng event ng buhay mo," kumunot naman ang noo ko.

"Anong pinagsasabi niyo?"

Ganito 'yong mga nababasa ko sa wattpad. 'Yong kapag tumungtong na 'yong babae o lalaki sa 18 kukunin na siya ng taga-ibang mundo tapos magiging fantasy na ang buhay niya... HINDI NAMAN KASI TOTOO 'YON! KALOKOHAN ANG MGA INIISIP KO?!

"Eighteen ka na ngayon,"

"Alam ko! Hindi ako tanga para hindi malaman ang edad ko!" inis na sigaw ko.

Narinig ko naman ang mahihina nilang tawa. Pinagtatawanan ba nila ako?

"Angelle, amazona ka talaga."

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ng dumukot sa 'kin. Paano niya ako nakilala at paano niya nasabing amazona ako? Kilala ba ako nito?

"S-sino ka?" tanong ko.

Hindi kaagad nagsalita ang taong kumakausap sa 'kin at naramdaman ko namang lumapit siya. Nang ramdam na ramdam ko na ang hininga niya, napabuntong hininga ako.

"Ano, Link? Wala kang balak kalagan ako? At anong katarantaduhan na naman itong ginagawa niyo? Wala na kayong mapagtripan?!" inis kong sabi sa kanya.

Alam kong si Link ang lalaking nasa harap ko. Sino bang girlfriend ang hindi malalaman ang hininga ng boyfriend?

"Hehe, nalaman mo?"

"Hinahalikan kita 'di ba?"

"Oo."

"Kung hindi ka shunga, malalaman mong naamoy ko ang hininga mo."

Narinig ko naman ang tawanan nila. Ano ba kasing pakulo nila at naisipan nilang kidnapin kuno ako? At sa dalawang enggoy na kasama ko kanina. Kasabwat pala sila, mamaya sila sa 'kin.

"Sorry na, my."

"Kalagan muna ako!" inis kong sabi.

Kinalimutan na nga nila ang birthday ko tapos ngayon, gagawan pa nila ako ng punyetang play na 'to?! Nakakainis sila! Lahat sila!

Hindi na nga ako maghahanda o magce-celebrate man lang ng birthday. Tapos ganito pa ang gagawin nila? Naisip ba nila ang nararamdaman ko?!

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon