CHAPTER 28 • Officially

18 3 0
                                    

ANGELLE

"Hihihi."

"Sistah, can you please stop giggling. You're so kadiri na ah." Maarteng sabi ni Lica.

Hindi ko naman ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagko-compose ng pang-reply kay Link. I know, I know mukha na akong tanga pero I love it. Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi maging masaya at kiligin.

"Ganyan talaga kapag in-love ang isang tao. Akala mo maka-bungingis wala ng bukas dahil sa kilig." Saad ni Ate Jove na nakaupo sa sahig.

Nandito kaming tatlo sa kuwarto ko at nanunuod kami ng The Nun, pero dahil busy ako sa ka-text ko. Walang tumitili o sumisigaw, dahil hindi ako nakatutok sa pinapanuod namin.

"Baliw na 'tong isa, eh." Rinig kong sabi ni Lica. "Hindi niya na lang ako gayahin, hindi ganyan kiligin parang bulate lang." Dagdag pa nito.

"Oo nga, saka wala namang forever, Couz." Ani Ate Jove.

Hindi na ako nakapagpigil at inis na ibinato sa kanila ang cell phone na nailagan nila. Nanlalaki ang mga mata nilang nakatingin sa 'kin at sa cell phone kong buo pa rin.

"May problema ba kayo? Kasi kung meron, spill it now. Hindi 'yong pinaparinggan niyo ako." Mataray kong sabi sa dalawa.

"W-wala, Couz. Hehe, we're happy lang dahi—" bago pa niya ma-kumpleto ang sasabihin. Pinutol ko na siya.

"Sa susunod na may marinig akong mga violent reaction niyo. Huwag na kayong magpapakita sa 'kin." Saad ko at iniwanan sila sa kuwarto ko.

Tch. I know naman na against si Ate Jove sa relasyon na meron kami ni Link. Pero hindi ba pwedeng maging masaya na lang sila? Suportahan na lang nila ako? Bakit hindi ko ba sila sinuportahan sa mga love life nila?

Dumiretso ako sa banyo at naligo. Sa kuwarto na lang ako magbibihis, I forgot to bring my things.

Pagkatapos ko maligo, lumabas ako sa banyo na tanging tuwalya lang ang nakatakip sa katawan ko. Naabutan ko naman ang kuwarto ko na malinis na at wala na ang dalawang bruhilda.

Takot lang nila na maabutan ko. Alam nila ang ugali ko kapag galit.

Kumuha ako kaagad ng damit sa cabinet at isa-isa itong isinuot. Alangan naman kasing sabay-sabay, ano ako si Venom?

T-shirt na lang ang isusuot ko ng biglang may pumasok sa kuwarto ko.

"My shark— shit."

"Aaaaaaaah!" tili ko at mabilis na tinakpan ang katawan ko ng unan.

Dammit. Nakita niya kaya? Taena naman, oh.

Tumalikod naman siya. "S-sorry,"

"Anong ginagawa mo dito? At sinong nagbigay ng permiso sa 'yo na umakyat dito?!" inis kong tanong.

"Pinatuloy ako ni tita." Tugon nito.

Mabilis ko namang isinuot ang t-shirt at hinila ito papasok sa kuwarto ko.

"Baliw ka ba? Kita mong nagbibihis ako?! Hindi ba uso katok sa 'yo?" galit kong bulyaw dito.

"Kasalanan ko ba? Ikaw kaya itong nagbibihis na nakabukas ang pinto!" giit nito.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon