CHAPTER 6 • 1v1 (1 versus 1)

39 7 0
                                    

ANGELLE

SERIOUSLY? Bakit ba pumayag akong mag-kuwentuhan kami ni Link habang nakahiga ako sa muscle nito? Ugh! Naiinis talaga ako sa sarili ko. Mga ex-boyfriend ko nga hindi pa ako napapahiga sa mga muscles nila pero si Link? 'Well, okay na rin naman kami ni Link at hindi naman siguro masama 'yon? Kaibigan lang naman kami.

Mabilis na dumaan ang araw at natapos ang maliligayang araw namin sa Ion resort. Umalis na rin si Tito Ion at nasa Macau na kaya thru video call na lang kami nagpasalamat sa kanya sa pagpayag niyang mag-stay kami sa resort niya. Nagta-tawagan na lang kami ni Isiah dahil hindi na rin siya pwedeng basta-basta pumunta dito lalo na't sa lunes na ang pasukan.

"Ugh! PASUKAN NA SA LUNEEEES!" sigaw ni Lica na nakatutok sa cell phone niya.

Mukhang nakabasa siya ng isang status ng friend niya sa Facebook kung saan pinaalalahanan ang mga estudyante na sa lunes na ang pasukan. Hindi ko alam pero, ganado akong pumasok ngayon. Siguro, dahil unang beses na nag-transfer ako at gusto ko magkaroon ng maraming kaibigan sa bagong school.

"Hindi pa nga ako handa pumasok eh," biglang sabi ni Jr na nakatutok sa tv.

"Ako, handa na akong pumasok. May baon na naman," sabat naman ni Hero na napatigil sa paglalaro ng LEGO ng sumigaw si Lica.

"Mag-adjust ka sa bago mong papasukan at kalaunan mas gugustuhin mo na lang 'din pumasok." Sabi ni Mama.

"Bakit kasi kailangan pa namin lumipat? Okay na do'n eh," reklamo ni Lica.

"'Wala tayong magagawa, hindi naman pwedeng hindi tayo umalis do'n." Hindi na lang umimik si Lica at pinagtuonan ng pansin ang ginagawa sa cell phone.

Nakinuod na lang rin ako sa tv, nanunuod sila sa Yey ng Harvey Beaks. Hindi ko trip ang pinapanuod pero ayoko naman makipagtalo sa mga kapatid ko kung anong channel ang papanuorin namin.

"Ate!" napatingin naman ako kay Hero na lumapit sa 'kin at naupo sa mini couch habang dala ang Ninja LEGO niya.

"Bakit?" tanong ko.

"May lalaking lumapit sa 'kin, sabi niya kung nasaan ka raw?" kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito, may nagha-hanap sa 'kin?

"Snong lalaki? Hindi si Kuya Isiah mo?" taka kong tanong. Sumimangot naman ang kapatid ko na parang may mali akong nasabi.

"Parang sinabi mo na ring tanga ako. Edi kung si Kuya Isiah 'yon sinabi ko ang pangalan." Napairap naman ako dito.

"Ayusin mo 'yang pananalita mo!" saway ko sa kanya, napakamot siya sa ulo at inis na nagsalita ulit.

"Ikaw kasi nagta-tanong ka ng obvious naman," kukurutin ko na 'to eh, hindi porket 9 years old na siya at namimilosopo na.

"Sagutin mo na lang ang tanong ko; sinong lalaki?"

"Hindi ko kilala, hinahanap ka lang niya sa 'kin." Sino naman 'yon?

"In love na ako, in-love na sa 'yo..."

Tinignan ko naman ang cell phone ko na nakalagay sa small table ng bigla itong tumunog. Nakita ko naman na si Ate Jove ang tumatawag. Sira talaga ang babaeng 'yon? Apat na bahay lang naman ang lalakarin niya para makarating sa 'min, tatawag pa?

Kinuha ko naman 'to saka sinagot. "Hello, bakit?" bungad ko dito.

"Couzie, samahan mo nga ako dito sa com shop ni Kuya Jun?"

"Ano bang ginagawa mo diyan?"

"Nagpe-facebook,"

"Sige, pupunta na ako. Ipa-reserve mo ako ng isang pc, maglalaro ako ng PB."

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon