CHAPTER 47• Kingdom of Love

23 4 0
                                    

Era: This will be the last chapter, so the ending. So, stay tun for the EPILOGUE. Thank you for supporting, kahit na hindi siya gano'n kaganda at perfect. I-edit ko 'to kapag mayroon akong oras. Lovelots!





ANGELLE

"Please naman, Angelle. 'Yong kapatid ko gusto nang magpakamatay! Pakasalan mo na lang siya, please!"

MARAHAS AKONG napapikit at napatingin kina Mama at Papa na nakaupo sa table chair dito sa kusina. Out of the blue kasi tumawag itong si Ate Ada kina Papa para sabihing balak na mawala sa mundo ng kapatid niya at dahil sa 'kin. Actually wala naman talaga akong pake sa kapatid niya pero baka isisi pa nila sa 'kin kung bakit mamamatay ito.

Sa totoo, naiinis ako sa kanila. Dahil una pa lang, hindi na ako pumayag na ligawan ni Adrian pero sakit sa ulo talaga ang lalaking 'yon at ipinagpipilitan ang sarili! Okay naman siya, oo gwapo. Pero ayoko sa style niya at pananalita, dahil may isang tao lang talaga ang gusto ko ang style lalo na sa pormahan.

"Angelle, nagmamakaawa ako sa 'yo! Mahal pa namin si Adrian." Umiiyak na sabi ni Ate Ada.

Muli na naman akong napapikit at tumingin kina Papa. I need their help para tumigil na ang kahibangan ni Adrian! At baka kapag ako nainis ako pa ang mag-embalsamo sa lalaki.

"Ate, pasensya na po talaga. I can't marry him," ani ko.

"Baka naman pwede mong pagbigyan ang kapatid ko!"

Ganito ba talaga ang ulo nila? I told them already na ayoko kay Adrian! Ano ba ang mahirap at hindi maintindihan sa tagalog na sinabi ko?

"Ate Ada, nire-respeto ko po kayo. Pero pasensya na po, meron ng lalaki sa puso ko at this time ayoko na siyang pakawalan at iwan. Gusto ko na rin bumuo ng sarili kong pamilya kasama siya." Paliwanag ko.

Hindi naman kaagad nakasagot si Ate sa kabilang linya. Narinig ko naman ang pahikbi nito, Naaawa ako sa kapatid nila pero mas priority ko ang sarili ko at ang nararamdaman ko. Ayokong magpakasal sa taong hindi ko naman minahal o mahal.

"Okay, I understan- Ate Ada! Si Kuya Adrian po!- what happened to him?- asdghghj... Angelle, I'll call you later!"

Napakunot naman ang noo ko at napatingin kina Papa at Mama. Ibinaba na nito ang linya sa kabila at saka ako napabuntong hininga. Ano na naman kaya ang ginawa ng lalaking 'yon?

"Anong nangyari?" tanong ni Papa pagka-abot ko ng phone.

Naupo naman ako sa upuan at naipunas ang palad sa mukha. "Pinipilit pa rin nila akong bumalik sa Surigao para pakasalan si Adrian... naputol 'yong usapan namin ng may ginawa na naman si Adrian." Medyo inis kong sagot.

Lumapit naman si Mama at hinaplos ang likod ko. "Angelle, hindi ka na bata pa. Pag-isipan mo ng mas mabuti at kung totoong mahal mo pa si Link-" nanlalaki naman ang mata ko at tumingin kay Mama.

Shit.

"Sssh. Marinig ka ni Lica, Ma." Saway ko kay Mama, maliit naman silang napangiti ni Papa.

"Basta umisip ka nang paraan para tigilan ka na ni Adrian." Nakangiting sabi ni Papa at pinat ang likod ko bago lumabas ng kusina.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon