CHAPTER 2 • Upo sa Lap

59 10 0
                                    

ANGELLE

"Angelle, isasama ka raw ng pinsan mo. Bakit ayaw mong sumama?" tanong ni Mama habang nakatutok sa tv.

FROM NOW on, hindi na magta-trabaho si Mama dahil dito na lang siya sa bahay para asikasuhin kami ng mga kapatid ko lalo na't isang buwan na lang pasukan na naman. "Nitatamad ako, Ma." Dahilan ko.

Sa totoo, gustong-gusto ko sumama kina Ate Jove pero iniisip ko lang na kapag sumama ako paniguradong makikita ko si Link do'n at gagantihan ako sa ginawa ko sa kanya.

"Sumama ka na para naman hindi ka taong-bahay." Taong-bahay ba ako? "Palagi ka na lang nakaharap diyan sa laptop at cell phone mo." Dagdag pa nito.

"Couzie!" napatingin naman ako sa pinto nang sumigaw si Ate Jove. "Couz, sumama ka na!" sabi niya nang makalapit na sa 'kin.

Bumuntong-hininga ako at napa-roll eye. "Ayoko nga, makikita ko lang ang pangit na si Link." Tugon ko.

"Couz, ako naman ang sasamahan mo eh. Ayaw ako payagan ni Mama dahil hindi ka raw kasama! Please, Couz. Libre ko na lahat do'n!"

"Bakit ba gustong-gusto mo pumunta?" kunot-noo kong tanong.

Ngumiti naman siya saka sinulyapan si Mama na abala sa panunuod. "Magde-date rin kasi kami ni Andre," bulong niya.

Napangiti na lang ako at bumangon sa pagkakahiga. "Okay, sabi mo libre mo lahat." Sabi ko na ikinalapad ng ngiti nito.

Pumasok na ako sa kuwarto ko saka naligo at inayos ang sarili. Pagkatapos humarap ako sa salamin at tinignan ang sarili. Perfect!

Kinuha ko na ang pouch ko saka ang cell phone at pinuntahan si Mama na nagluluto sa kusina.

"Ma, alis na po ako." Sabi ko sabay lapit sa kanya at halik sa pisnge nito.

"Okay, mag-iingat." Tumango naman ako saka sinalubong ang pinsan ko.

"Nasaan na sila?" tanong ko.

"Naghihintay na sila ro'n sa terminal, kaya dapat na nating bilisan." Tugon nito at hinila na ako pasakay sa tricycle.

Pagdating sa terminal, nag-iba kaagad ang timpla ng mukha ko ng makita si Link. Sa tuwing nakikita ko kasi ang mukha niya, parang sumisiklab ang galit sa dibdib ko dahil sa ginawa niya. Para sa 'kin isa siyang tae na dapat pagdirihan duh.

"Couz, baka naman matunaw 'yang si Link." Rinig kong mahinang sabi ng pinsan ko, inirapan ko naman siya at sumabay na sa kanya sa paglapit kina Andre.

"Hello, girls. Are you two ready to feel the heaven?" tanong ni Andre, binatukan naman siya ni Ate Jove sa hindi ko malaman na dahilan. "Aray naman! Ayan ka na naman sa pambabatok mo!" inis na sabi ni Andre.

"Anong heaven ka riyan?"

"Bakit kapag sumasakay ka sa jeep 'di ba parang heaven, dahil ang sarap sa pakiramdam." Natawa naman kami sa dahilan ni Andre.

"Ewan ko sa 'yo." Irap ni Ate Jove at hinila na ako pasakay sa jeep.

Nang makasakay na kami, sumunod na rin ang mga lalaki na nasa kabilang side. Siyempre si Andre nasa tabi ni Ate Jove para suyuin ito. Napatingin naman ako sa tabi ko ng may umupo dito... grr!

"May space pa sa kabila," sabi ko.

Tumingin naman 'to sa 'kin at binigyan ako ng bored look.

"Sa gusto ko rito maupo." Napairap na lang ako sa inis at hinarap ang iba naming kasama na nagsasalita.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon