CHAPTER 35 • Merry ChristmaaaaAaaaas!

18 3 0
                                    

ANGELLE

"WaaaaaaaaAaaah! I can't wait for my daaaay!" tili ni Lica habang nagtatalon sa kama ko.

SINAMAAN KO naman siya ng tingin habang hawak ko ang cell phone ko. Punyetang babae itoooOooo! Hindi ba niya naisip na nagta-type ako? O baka gusto niyang makarating sa sala gamit ang One Punch? At ano bang sinasabi niyang my day? Hindi niya naman birthday ngayon?

Nang tatalon na naman sana siya ay sinipa ko siya dahilan para ma-out of balance siya at mapahiga sa kama ko. Pasalamat siya at sa kama ko siya bumagsak kung hindi baka dugo na ang mukha niyang iniingatan.

"Aray!" late react niya at sinamaan ako ng tingin.

Naupo ako at tinaasan siya ng kilay. Wala siyang karapatan na samaan ako ng tingin. Dahil sa aming dalawa siya ang epalogs na pumasok ng kuwarto ko at nambulabog na lang.

"Umalis ka nga rito!" taboy ko sa kanya.

"Why would I? Saka sinipa mo ako! How dare you? Paano kung bumagsak ako sa baba?!" galit niyang bulyaw sa 'kin. Look at her, siya pa ang may ganang magalit sa 'kin at sigawan ako.

"Sinisigawan mo ba ako?!" sigaw ko rito.

Umamo naman ang mukha niya. Sige lang, Lica sigawan mo ako para makatikim ka ng palo ni mama. Haha!

"Kasi naman ikaw. Sinipa mo ako," sabi niya.

"At bakit ka naman tumatalon sa kama ko? Can't you see na nagta-type ako?"

"Sorry na okay?" tch.

"Anong sinasabi mong my day birthday mo ba ngayon?" tanong ko rito at muling nag-type ng pang-reply kay Isiah.

Pagkatapos namin mamasyal last last day. Hinatid niya ako sa bahay. Pati nga si mama nalungkot sa ipinaalam ni Isiah na kalagayan niya. Umiyak pa nga si mama at kinausap ang lalaki. Marami na rin kasing pinagsamahan si mama at Isiah, at parang anak niya na rin ang mga kaibigan ko kaya naman sobrang sakit para sa kanya na makita ang kalagayan nito.

Nakausap ko na rin si Link tungkol sa kapatid-thingy nila ni Isiah. Naintindihan ko naman kung bakit niya nagawa iyon sa 'kin. At masaya ako dahil hindi na nila kailangan pa magtago para lang makita ang mama nila. Pumayag na kasi ang Daddy ni Isiah dahil pinakiusapan niya ito. Gusto ko mang malaman kung paano nila nalaman na magkapatid sila pero hindi ko na lang tinanong pa. Ayoko narin i-topic sa kanila iyon.

Nakabili na rin ako ng regalo sa kanila. Nakatago lang sa cabinet ko dahil ayokong malaman nilang meron akong regalo sa kanila.

"Hey, sistah!" nabalik naman ako sa kasalukuyan at tinignan si Lica ng iyugyog niya ako at sigawan.

"What?" inis kong tanong dito. Kumunot naman ang noo niya.

"Kanina pa ako nagsasalita pero para kang wala sa sarili. Am I talking to the wall?" sarkastiko niyang sabi.

Napahaba ba ang iniisip ko?

"Sorry may naisip lang ako."

Lumungkot naman ang mukha niya. "Dahil ba kay Kuya Isiah?" tanong niya.

"Hey, don't worry about him. He promised naman na lalabanan niya ang sakit niya para makasama pa tayo." Napayuko naman si Lica.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon