CHAPTER 32 • LQ (Love Quality)

16 3 0
                                    

ANGELLE

"He's not okay, Couz. Hindi pa nga siya kumakain, eh. Nasaktan siya sa litrato niyong dalawa ni Ernest."

"Bakit ba naniniwala siya ro'n? Mag-i-explain na nga ako sa kanya, ayaw niya naman ako pakinggan. Naiinis na ako sa kanya!"

"Paano ba kasi nangyari na merong nakasunod sa inyo? Hindi kaya isa sa mga classmate mo ang kumuha ng pic niyo then sinend sa mga hype beast?"

I LOOKED around and still wondering kung paano nangyaring may kumuha ng litrato namin ni Ernest? Ayoko naman i-sikreto ang pagsasama nami, eh. At kung isa man sa mga kaklase ko 'yon sino naman? Ayokong mag-akusa o mangbentang hangga't hindi pa nalalaman kung sino ang nag-send.

"Mahal mo ba talaga ako? Kasi kung hindi, sana hindi mo na lang ako sinagot."

Itinakip ko naman sa mukha ko ang panyo at tahimik na umiyak. Hindi ko maiwasang hindi maiyak, kung nasasaktan siya sa litrato namin ni Luis mas nasasaktan ako. Hindi ko alam na hindi pa siya sigurado na mahal ko siya. At wala siyang tiwala sa pag-ibig na ibinigay ko sa kanya. Mas nasasaktan ako sa 'ming dalawa dahil alam kong galit ang iba sa 'kin. Para akong isang kriminal dahil sa simpleng litrato lang.

Kung sinuman ang taong kumuha ng litrato namin ni Ernest. Gusto niyang mag-away kami ni Link at maghiwalay. Malaman ko lang talaga kung sino? Humanda na siya.

"Angelle, nandito na tayo sa harap ng bahay niyo." Sabi ni Ernest na nasa passenger seat.

Pinunasan ko ang mga mata at nginitian ito na nakatingin sa 'kin. "Thanks, see you sa pasukan." Gumanti naman ito ng ngiti.

Tinignan ko naman si Prof na nginitian ako at tinango-an bago ako bumaba. Sumalubong sa 'kin si mama at niyakap ako. Napangiti naman ako at pumasok na kami sa loob ng bahay kung saan naabutan ko sila Hero at Jr na nanunuod.

Nang makita ako ni Hero, kaagad siyang tumayo at yumakap sa 'kin. Natatawa ko namang hinaplos ang buhok nito.

"May pasalubong ka, Ate?" tanong nito. Umiling naman ako bilang sagot. Napasimangot naman ito at kumalas sa pagkakayakap sa 'kin at bumalik sa upuan niya.

Napaismid naman ako. So, yumakap lang siya para kung sakaling may pasalubong ako mabigyan ko? Urgh. Sarap ihampas nito sa dos por dos.

"How was your date with Ernesf?" Napa-angat naman ang ulo ko at napatingin sa babaeng kababa lang galing sa taas.

"Lica, ano ba?" inis na saway ni mama kay Lica.

Napatingin naman ako kay mama. So, alam niya na rin 'yong litrato namin ni Ernest?

"Kung hindi mo naman kasi mahal ang isang tao. Sabihin mo na lang, hindi 'yong sasagutin mo pa pero kasinungalingan." Nag-igting naman ang panga ko sa sinabi nito.

"So, naniniwala kayo na nag-date kami ni Ernest? Alam niyo magaganda at gwapo sana kayo kaso hindi kayo marunong tumingin sa ibang side? Ang mali kaagad ang nakikita niyo!" inis kong sabi.

I can't help it. Sawa na ako na puro natatanggap ko ako ang may kasalanan!

"Sana kasi sinabi mo na lang kaagad!" sigaw sa 'kin ni Lica.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon