CHAPTER 23 • Can You Be My Chammak Challo?

13 3 0
                                    

ANGELLE

SUNDAY MORNING ng puntahan ako ng mga kaklase ko sa bahay. At ayaing mangalakal for the sake of our grades. I know naman na ang iilan sa 'min ay ayaw talaga sumama pero kailangan at isa na rin ako ro'n. Sino ba naman kasi ang matutuwang mangalakal? Kung hindi lang talaga para sa grades. Hindi ako sasama at mag-i-stay lang sa bahay habang nagba-basa. Pero ito ako ngayon, nakatayo sa kalsada habang namumulot ng mga kalakal. Mapabote o plastic man.

Mahirap pero para sa mga estudyante na ayaw bumagsak. Tinitiis para tumaas lang ang grades.

"Hey, guys. Wala ba kayong balak magpahinga?" maarteng tanong ni Iya. Isa sa mga kaklase ko na kasama namin sa pangangalakal.

"Oo nga, guys. Two hours na tayong walang pahinga." Sabi ni Kenya. Napatikhim naman si Ernest at sinulyapan kami sabay ngiti.

"Okay, guys. Magpahinga na muna tayo, pagod na rin ata si Angelle." Saad nito.

Napatingin naman ang lahat sa 'kin at binigyan nila ako ng nakakalokong ngiti na ikinunotan ko lang. Mga sira talaga ang mga 'to. At para saan ang nakakalokong ngiti nila?

Huminto kami sa isang karinderya at kumain dito. Gutom na rin kasi kami at naawa naman si Ernest baka raw may mag-collapse sa 'min.

In-occupy namin ang isang table na kasya ang anim na tao.

"Gusto mo pa ng ulam, Angelle?" tanong ni Ernest ng sulyapan ako nito.

Umiling naman ako. "Okay na 'to." Ngumiti naman siya at tumango.

Nanahimik naman ako sa tabi niya. At sila naman nagda-daldalan lang na parang nasa school. Hanggang dito ba naman chismiss pa rin?

"Hey, Angelle. Pati ba naman dito sa labas ng school tahimik ka." Sabi ni Ernest ng mapansing hindi ako nakiki-sabayan sa kanila.

"Um, wala naman kasi akong kaalam-alam sa topic niyo, eh." Napangiti naman ang lalaki.

"Ah. Ano bang hilig mo?" tanong niya.

"Reading books, watching K-drama, and etcetera." Sagot ko na tinaguan niya.

"Kaya naman pala silent type ka."

"Ha? Paano mo na sabi?" tanong ko.

"Halos kasi sa mga kakilala ko na mahilig magbasa ng libro. Tahimik, 'yong tipong mas gusto manirahan sa sobrang tahimik na lugar." Napangiti naman ako.

"Mas masarap at makakapag-isip ka ng maayos kapag nasa tahimik ka na lugar." Sabi ko.

"Susunduin ka ba ng boyfriend mo?" pag-iiba nito ng topic na ikina-kunot naman ng noo ko. Susunduin ako ng boyfriend ko?

"Boyfriend?"

"Um. Oo, ayon kasi ang narinig ko sa mga kaibigan ni Prof."

Aah.

"Wala akong boyfriend, pero manliligaw. Oo, baka ang narinig mo ay 'yong suitor ko." Napatango naman 'to.

"So, single ka pala ngayon?" tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot.

Ngumiti naman ito at hindi na muling nagsalita.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon