CHAPTER 12 • Intramurals I

22 7 0
                                    

ANGELLE

THURSDAY nagsimula ang Intramurals ng Maximo. Kahit na alam nilang manunuod lang kami at walang gagawin. Marami pa rin ang pumasok dala ang mga cartolina o tarpaulin nila para sa mga player na iche-cheer. Sinadya talaga ito na idaos pagkatapos ng exam para naman raw sumaya ang mga estudyanteng nalungkot sa mga score nila na hindi pumasa o sa mga estudyanteng na stress dahil sa exam.

Sinimulan ng 'Maximonians Swaeg' kung tawagin ang opening ng Intrams. Sumayaw sila ng cheerdance na sinamahan nila ng hip hop na kumuha ng atensyon ng lahat. Alam mo 'yong Maximonians swaeg? Bumagay sa mga galaw nila at sa galing ng choreo nila eh.

Nagulat pa nga ako ng makita si Prof na kasali dito. Pero sa pagkakatanda ko. Everytime na nagpa-practice ang Maximonians swaeg hindi ito suma-sama. Dahil palagi ko itong kasama. Weird right?

Nang matapos ang sayaw ng Maximonians swaeg. Umakyat na sa stage ang tatayong Mcee na si Sir Archie at ang H.E teacher na si Ma'am Beca.

"Hello, everyone!" masiglang bati ni Ma'am Beca sa lahat. "I'm Rebeca Cain Santos, I will be your Mcee for the rest of these event. And I'm with sir Archie Anselmo, the handsome teacher from grade Eleven GAS 2." Patuloy nito.

"Oh, Sir Archie. What activity kaya ang una nating mapapanuod?" tanong ni Ma'am Beca kay Sir Archie na ngumiti.

"Hm... ano ba ang sikat na sports ngayon?"

"As far as I know, basketball. Alam mo 'yong galawan nila L.J at Stephen Curry?" tumango naman si Sir Archie.

"Yeah, L.J is one of the millenials favorite basketball player."

"Thats great! Bye the way, what are we waiting for? Lets start the first activity!"

Nang magbigay na ng hudyat si Ma'am Beca. Nagulat naman kami ng biglang may pumutok ng malakas na mula sa isang toy gun at nalaman na lang namin na pakulo iyon ng Principal.

"Para may thrill!" natatawang sabi ni Russel na kadarating lang sa pwesto na pinag-usapan.

Sa 'min atang makakaibigan. Apat lang kaming hindi sumali sa mga activities. Alam mo 'yong mga taong walang hilig sa mga sports?

"Guys!"

Sabay naman kaming napatingin ni Russel sa isa pang tao na walang hilig sa sport na kadarating lang.

"Bakit ang tagal mo naman, John?" iritang tanong ni Russel ng makalapit na ito sa 'min.

"Hinanap ko pa kasi 'yong tarpaulin na ipinagawa ni Jovelyn para sa boyfriend niya," sagot nito na mahihimigan ang boses ng inis.

"Bakit parang galit ka?" tanong ko.

"Sigawan ba naman ako ni Mama." Nguso nito.

"Bakit?"

"Pagkatapos ko raw maligo. Pumasok siya sa banyo at nakita ang mga balat ng chooks to go." Napahagikgik naman kami ni Russel sa sagot nito.

"Gago, Par. Huwag sabing magpapak eh." Saad ni Russel.

Napakamot na lang sa ulo si John. Napatingin naman kami sa gitna ng court ng pumunta na dito ang unang mga player na maglalaro.

"Grade 7 vs 10! First quarter!" sabi ni Sir Archie.

Nagsimula ang laban ng G7 at G10 sa isang larong hindi maunawaan. I mean ang gulo nila maglaro. Palaging may napa-foul at nag-a-outside. Nang matapos ang first quarter, sumunod ang second quarter na medyo naging okay pero 'yong G7 marurumi sila maglaro.

"Ang pangit talaga kalaban ni Kurt eh, marumi siya maglaro!" inis na sabi ni Russel ng maka-score ang grade 7.

Nang matapos ang laban ng Grade 7 and 10, nagwagi ang Grade 7 sa score na 62 samantalang naka-score lang ng 53 ang grade 10.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon