CHAPTER 11 • Sorry?

31 6 0
                                    

ANGELLE

"Magkaalaman na nga tayo, nanliligaw ka na ba sa pinsan ko?"

NATAHIMIK naman ang buong paligid at nakatutok kay Ate Jove at Link. Alam ko ang rason ni Ate Jove kung bakit ganyan na lang niya kaayaw si Link at mas gusto nito si Isiah.

Ngumiti naman si Link bago nagsalita. "Sinabi ko na sa kanyang gusto ko siya. Pero hindi pa ako nanliligaw." Nakangiti nitong sagot kay Ate Jove.

"Siguraduhin mo lang, Link? Ayoko pa naman sa lahat ay 'yong nasasaktan ang pinsan ko." Saad ni Ate Jove.

"Yam, hindi naman gano'n si Link eh." Sabat ni Andre na binigyan lang ng masamang tingin ni Ate Jove kaya tumahimik.

"Jove, hindi ko siya sasaktan gaya ng iniisip mo." Sabi naman ni Link.

"Okay." Ayon na lang ang naisagot ni Ate Jove at ipinagpatuloy ang pagkain ng lomi niya.

"Ayown oh! Kasalan na ba ang punta nito?"

Napailing naman si Link sa kaibigan at sinulyapan ako saka nginitian. Umiwas naman ako ng tingin saka hinarap ang lomi at kinain ito kahit wala 'yong kalamansi na may tuyo. Masarap pa rin naman eh, masarap nga ito ibuhos kay Link.

"Couz," napatingin naman ako kay Ate Jove na katabi ko sa kanan, nasa kaliwa ko kasi si Link.

"Bakit, Couz?"

"Sigurado ka ba kay Link? Papayagan mo ba siya?" mahina nitong tanong 'yong tipong ako lang talaga ang makakarinig.

I smile. "Couz, suportahan mo na lang ako sa magiging desisyon ko. Okay ba 'yon?" napapikit naman 'to at napabuntong hininga.

"Okay, pero nandito lang naman ako. Kapag naguguluhan ka, tutulungan kita. Just call my name and I'll be there." Natawa naman ako sa sinabi nito.

"Okay."

Pagkatapos namin kumain nang lomi. Nag-ayaan na rin kami umuwi para maagang makapagpahinga. Tutal, sabado naman bukas at pwede pa kaming magkita-kita lalo pa't wala namang pasok ng dalawang araw.

Pagdating sa bahay, naabutan ko si Mama at Hero na nag-aasikaso para sa pagpunta sa talipapa. Mamamalengke kasi sila at bibili ng ulam namin mamayang gabi.

Kaagad rin naman silang umalis kaya naiwan akong mag-isa sa bahay. Si Lica kasi nando'n kina mommy (Mama ni Ate Jove) kasama si Jr.

Umakyat ako sa kuwarto ko at nagpalit ng pambahay. Saka bumaba at pumunta sa sala para manuod ng tv. Humiga ako sa sofa at tumingin sa mataas na kisame.

"Gusto kita, Angelle."

Napabuntong hininga naman ako ng maalala ang sinabi ni Link bago ako umuwi sa 'min kahapon. Hindi ko ma-explain ngayon ang nararamdaman ko. Dati hindi okay sa 'kin na may lalaking basta-basta na lang didikit pero kapag si Link ang lalaking gagawa parang hindi ako makapalag. Feeling ko nga simula ng lumipat kami dito nagbago na ako, I mean nagbago ang mga bagay na dati hindi ko naman nararamdaman.

Hindi pa naman ako pumapayag na ligawan ako ni Link eh. Magulo si Link. 'Yong tipong sinasabi niyang manliligaw siya pero hindi ko pa 'feel' parang wala lang.

Umayos ako ng higa sa sofa at ipinikit ang mga mata. Habang nilalamon ng mga iniisip. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at napunta sa malalim na panaginip.











ALAS y singko ng magising ako dahil sa paggising sa 'kin ni Mama. Katatapos lang nito makapagluto ng pang-hapunan namin at ginigising niya ako para makakain na kami.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon