CHAPTER 36 • Gift

23 3 0
                                    

ANGELLE

THEY SAY share your blessing. So, dahil blessing para sa 'kin si Link. Ishe-share ko rin siya? Gano'n ba 'yon?

"Angelle, bumaba ka na raw. Magbibigayan na tayo ng regalo," tawag sa 'kin ni Mommy.

Sabay-sabay kasi kaming Gallardo at Musco family magpapasko. Grr, hindi nga lang namin kasama sila Link.

"Sige po, susunod na ako." Sabi ko at tinapos na ang pagsuklay sa buhok ko saka kinuha ang malaking plastic na nilagyan ko ng mga regalo sa kanila.

Halos maubos ang allowance ko para lang makabili ng regalo sa kanilang lahat. Ito kasi ang pinakamahirap na gawin kapag marami kang reregaluhan. Hindi naman kasi pwedeng hindi ako magregalo. Baka ibato nila sa 'kin 'yong mga regalo nila sa 'kin, hehe.

Pagkababa ko, naabutan ko silang nagbubunotan na. Meron kasi kaming exchange-gift at siyempre hindi ako nagpahuli ro'n. Kapag gifts hindi ako pwedeng mawala.

Inilagay ko naman 'yong gift ko para sa exchange-gift at saka naupo sa tabi ni Ate Jove. "Couz, anong binili mong regalo?" tanong nito.

"Malalaman mo rin mamaya." Sabi ko at pinananuod na silang magbunotan.

Pinabunot na rin nila ako. Nang buksan ko ang naka-roll na papel, napangiti ako. Hehe, buti na lang talaga at unisex ang binili kong t-shirt. Ang hirap kaya mamili ng pang-regalo na pwede sa babae at lalaki.

"Oh, Angelle. Sino ang na bunot mo?" tanong ni Mama.

Itinaas ko naman 'yong papel na nabunot ko. "Joel," sabi ko, napangiti naman si Joel at lumapit kay mama at kinuha ang regalo na binili ko.

"Joel, mamaya mo na 'yan buksan. Kailangan sabay-sabay tayo," paalala ni mommy na tinango-an naman ni Joel.

Hanggang sa matapos kami. Ang nakabunot sa 'kin si Mommy. Ang laki nga ng sa kanya, eh. Mas lalo tuloy akong na-excite. Paano kung trip to Korea 'to? Hehe, makikita ko na ang love of mylove.

"Okay, pwede niyo ng buksan 'yong mga regalo." Sabi ni Mama.

Atat na atat na pinangbuksan namin ang regalo. Napanganga naman ako ng makita ang regalo ni mommy. Ganito ba talaga kapag nag-expect ka ng malaki? Grr...

"What the heck?! Bakit panty at Bra 'to?!" galit na sigaw ni Lica kay Junior na nakabunot sa kanya.

Natawa naman kami ng makita ang panty at bra. Color red ito tapos 'yong panty? Gosh. It so revealing.

"Hindi ba sabi nila mama na pwede sa babae at lalaki! Are you that stubborn?" tanong nito.

"Hahaha. Sorry naman, gusto ko lang matuwa kayo." Natatawang sabi ni Junior.

Napairap naman si Lica at inilagay sa tabi niya ang na tanggap na regalo. Chossy pa siya? Pasalamat siya at 'yong binili ni Junior na bra is 'yong makapal-kapal ang foam. Flat chested pa naman siya. Buti pa nga si Junior naisip ang hinaharap niya, eh.

Matapos namin magpalitan ng regalo. Kumain kami at nagselfie-selfie. Tradisyon na namin ang magpicture na kasama ang lahat tapos ipo-profile hanggang matapos ang taon.

"Hindi ba pumayag si Mama, 'Noy na rito na lang sila mag-bagong taon?" tanong ni mama ng nasa kalagitnaan na kami ng pagkain.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon