CHAPTER 31 • Shoot 2 (Low Quality)

17 3 0
                                    

ANGELLE

"Nakakainis ka na, Lie ha?! Bakit mo ako sinisisi na ako ang pumatay kay Lindong?!"

"Bakit hindi ba? Ikaw lang naman ang may galit dito, eh?"

"Kahit kailan never kong gagawan ng masama ang kapwa ko."

"Aminin muna, Eddy! Pinlano mo pa nga ito!"

"Nagkakamali kayo!"

"Umamin ka na lang!"

"Cuuuuuuut! Shet, Iya! What happened to your voice? Mukha kang lasing na ewan no'ng umepal!" bulyaw sa kanya ni Christina.

Napanguso naman ito at hinilot ang leeg niya. "Sorry, Chris. Naparami kasi ako ng malamig kagabi kaya naman ito ang kinalabasan." Saad nito.

"Hays. Sige, okay lang 'yan. Basta paayos naman kahit unti lang." Tumango naman ito.

"Okay, 1, 2, 3. Action!" hudyat ni Christina.

"Nakakainis ka na, Lie ha?! Bakit mo ako sinisisi na ako ang pumatay kay Lindong?!"

"Bakit hindi ba? Ikaw lang naman ang may galit dito, eh?"

"Kahit kailan never kong gagawan ng masama ang kapwa ko."

"Aminin muna, Eddy! Pinlano mo pa nga ito!"

"Nagkakamali kayo!"

"Umamin ka na lang!"

"Tangena naman, guys! Kaibigan niyo ako pero hindi niyo ako pinapaniwalaan!"

"Eddy! Hindi namin alam kung kailangan ba  namin magtiwala sa 'yo. Naalala mo ba 'yong sinabi mo sa 'min, na haharangan mo si Lindong at bubugbugin."

"Joke lang 'yon!"

"Enough! Hindi natin kailangan sisihin si Eddy hangga't wala pa tayong pruweba!"

"Cuuuuuuuuut! Good job!"

Para naman kaming nakalaya at nakahinga ng maluwag. Shet! Feel na feel na ni Christina ang pagiging director. Hindi kasi siya matutulungan ni Ernest dahil isa rin ito sa main character.

"Guys, luto na 'yong food!" sigaw ni Brenda na nasa labas.

Hindi kasi siya kasama sa scene ngayon. Kaya siya ang nagluto ng makakain namin.

Iniwanan na namin ang mga gamit at lumabas na para makapananghalian. Nang makarating kami sa lamesa, tumabi sa 'kin si Ernest na nginitian ko.

Kumuha na ako ng plato ko at nag-sandok ng kanin at ulam. Gutom na rin ako at pagod. Siguro ganito rin ang nararamdaman ng mga artista everytime na nagsho-shoot sila. Ang hirap!

Kumakain na kaming lahat at nagdadaldalan naman sila ng kausapin ako ni Ernest.

"Kaya mo pa ba mag-shoot?" tanong nito dahilan para mapatingin ako sa kanya at ngumiti.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon