CHAPTER 21 • Moody

24 4 0
                                    

ANGELLE

 NASA kuwarto ako at nakahiga sa kama habang nagba-basa ng 'My Lady Gangster' ni GreatPretender04. Hindi na kasi ako lumabas ng ihatid ako ni Link sa mismong bahay, gabi na rin kasi kami nakarating galing sa MH. Hindi naman na sayang ang pagpunta namin do'n at ang paghihirap nila Link sa pagpa-practice dahil nagwagi sila. No'ng last quarter pa nga muntik na magkaroon ng away dahil sa isang player ng Maxine. Natamaan kasi siya ni Kervin no'ng nag-shoot ito. Mabuti na lang at naawat ng mga coach at teacher kundi magkakaroon talaga ng 'eskandalo'.

Tungkol naman sa pagkikita namin ni Gipsy kanina, hindi ko na ito sinabi kay Link. Hindi naman big deal sa 'kin ang mga sinabi ni Gipsy pero natatakot lang talaga ako sa mga posibleng mangyari sa 'min ni Link. Lalo na't kumpirmado ko na sa sarili ko na gusto ko si Link. Hindi na ako bata para palaging i-deny ito. Ako lang rin ang mahihirapan kapag palagi kong sinasabi sa sarili na 'hindi pa' muntanga lang ako.

"Angelle, tawagin muna ang mga kapatid mo. Kakain na tayo!" rinig kong sigaw ni Mama na nasa kusina.

Marahas naman akong napabuntong hininga at bumangon sa kama saka itinabi ang libro, bumaba ako at dumiretso sa dinning area kung saan ko naabutan si Mama na inihahanda na ang pagkain.

"Ma, kapag gabi na kasi huwag muna sila paalisin. Tuwing kainan na lang tayo nagta-tawagan," medyo inis kong sabi.

"Pagsa-sabihan ko ang mga kapatid mo, kaya tawagin mo na sila."

Sinunod ko na lang si Mama at pumunta sa com shop kung saan nakita ko sina Hero at Jr. Pina-uwi ko na silang dalawa at saka naman pumunta kina Link para puntahan si Lica, palagi na kasi silang nando'n, eh.

Nang nasa harap na ako ng bahay ni Link, tinawag ko si Prof pero ang lumabas naman si Wendell na fresh from the bath. Cute, hehe.

"Oh, Angelle. Bakit?" takang tanong ni Wendell.

"Um, nandiyan ba si Lica?"

"Si Lica ba talaga ang hinahanap mo?" pang-aasar nito, sinamaan ko naman siya ng tingin. Anong gusto niyang sabihin?
"Huwag mo akong inaasar diyan, Wendell, ah. Bangasan kita diyan," mahina naman 'tong natawa.

"Pina-pangiti ka lang naman. Oo, nandito si Lica, kumakain sila." Seriously?

"Kumakain sila?" inosente naman 'tong tumango bilang sagot. "Pwede ko ba makausap si Lica?"

"Sige, halika." Sabi niya.

Nauna na siyang pumasok at sumunod naman ako, pagkapasok ko naabutan ko na naka-bukas ang tv sa sala at wala namang nanunuod. Nagsasayang pa ng kuryente!

"Patayin mo nga 'yang tv," utos ko kay Wendell.

Napalingon naman ako ng tawagin ako ni Link. Huminto ako at hinintay itong makalapit sa 'kin.

"Bakit?" tanong ko.

"Pwede ba ako sumama sa inyo bukas?" kumunot naman ang noo ko.

"Saan naman?"

"Nasabi sa 'kin ni Lica na sasamahan mo raw sila bukas, gusto ko sana sumama."

"Ano namang gagawin mo do'n?"

"Sasamahan ka,"

"Tch! Kaya ko mag-isa,"

"Kaya mo nga, ayoko namang nag-iisa ka."

"Tch! Bahala ka sa buhay mo." Sabi ko at tinalikuran na 'to.

"See you tomorrow, Angelle. Good night na rin!"

Pinigilan ko naman ngumiti, but I can't. I can't imagine myself smiling because of him. Bakit ba ako na in love sa isang makulit na lalaki na 'yon?

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon