CHAPTER 27 • Missing You

19 3 0
                                    

ANGELLE

AFTER TWO MONTHS,

DALAWANG buwan na ang nakakalipas ng pumunta kami ni Link sa Parañaque para sa birthday ni Key. Doon 'din sa araw na 'yon ay ipinakilala ako ni Link sa pamilya nila. Sa mga nakalipas na araw, linggo, at buwan gano'n pa rin si Link. Masiyahin at puno ng gwapong ngiti ang mukha niya.

Kulitan dito, kulitan doon. Asaran dito, asaran doon. Kaya kahit kaibigan namin ay hindi naniniwala na hindi pa kami. Kung magka-tampuhan kasi daig pa namin ang mag-jowa.

Kahit gano'n, masaya ako sa status namin ni Link. 'Yong araw-araw niya akong nililigawan at sinusuyo para lang mapasaya. Pero ang saya na 'yon, napalitan ng takot nitong nakaraang linggo. Pagkatapos ng Christmas party namin, meron akong mga kabataan na nakasabay sa pagbaba sa hagdan.

Ka-same level ko sila. Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila. Hindi sila Hypebeast pero kung pumorma sila parang gano'n na rin.

"Paano natin sila reresbakan?"

"Sa paraang malalamog ang mukha nila."

"Pre, sigurado ba kayo sila Albert ang gumawa kay Alfe no'n?"

"Sigurado kami, isang hypebeast pa nga ang nagsabi."

Napabuntong hininga naman ako at napatingin sa screen ng phone ko. Kailan ba balak umuwi ni Link? Malapit na ang pasko pero siya hindi pa bumabalik. Mag-iisang linggo na siyang nando'n sa Parañaque. May nakita na ba siyang iba? Hay naku, Angelle. Kahit ano na ang iniisip mo.

Napadako naman ang tingin ko sa kalendaryo at halos mapatayo ako sa kama. Shit! 15 na pala ngayon?!

Mabilis akong tumalon pababa sa kama at pumunta sa sala kung saan naabutan ko si mama at Hero na kumakain ng barbeque. Nagtataka silang napatingin sa 'kin at binigyan ako ng "anong-nangyayari-sa 'yo-look".

Umupo ako sa tabi ni mama at kumuha ng isang barbeque.

"Ano bang nangyari sa 'yo? Pahagos ka mang bumaba?" tanong ni Mama.

Sinulyapan ko naman siya at nilunok ang kinakain. "Ma, anong balak niyo sa December 26?" tanong ko.

Napairap naman si Mama at ibinaling ang tingin sa tv. Ano 'yon?

"Ma, 18 na ko sa 26." Ulit ko ng hindi ito sumagot.

"Wala tayong pera, maghanda ka na lang diyan."

Napanguso naman ako sa sagot ni mama. So, hindi ako magde-debut? At paanong wala kaming pera? Sabi nila noon magdi-debut ako. Ngayong gusto ko na kasi may pang-18 candle na ako. Ayaw na nila sad :<

Napabuntong hininga naman ako. "Okay," well, wala naman akong magagawa kung ayaw nila.

Tumayo ako at bumalik sa kuwarto. Nakakalungkot naman. Gusto ko pa naman masubukan 'yong debut na sinasabi nila, pero ayaw naman na nila mama. Akala ko pa naman nagpa-plano na sila.

TING!

Tinignan ko naman ang screen ng cell phone at nakita ang one message from Link. Mabilis ko itong binuksan na parang atat na atat at binasa.

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon