CHAPTER 20 • Maximo Vs. Maxine (Tournament)

23 5 2
                                    

ANGELLE

"BAKIT HINDI ka sumabay sa pinsan mo at kapatid mo papunta sa Maxine?" tanong ni Mama ng maabutan pa ako sa sofa na naka-upo habang nanunuod.

"Meron akong kasabay, Ma." Tugon ko na nasa screen pa rin ang tingin.

Bago ako umuwi kagabi, sinabihan ako ni Link na dadaanan ako rito sa bahay para sabay na lang kaming dalawa pumunta sa Maxine High. Hindi naman ako tumanggi, ayoko rin kasama sina Ate Jove at Lica pagkatapos nila ako iwanang dalawa. Saka inilista na ako ni Prof sa mga sasama para sumuporta sa MBP. Nakapagpaalam na rin ako kay Mama kagabi kaya wala na akong problema.

"Sino?" tanong ni Mama ng makaupo sa tabi ko.

"Si Link po," sagot ko.

"Kaya naman pala," sambit ni Mama na may nakakalokong ngiti sa labi.

"Ma, ano na naman pinag-iisip mo?" naka-kunot noo kong tanong.

"'Wala naman, pero napansin ko nitong mga nakaraang araw. Parang palagi na kayong magkasama dalawa, pumayag ka na bang ligawan ka niya?" tanong nito.

Isinandal ko naman ang likod ko sa backrest ng sofa at tumingin kay Mama saka tumango na ikinangiti nito.

"Maganda 'yan," saad niya. "May mga effort na ba siyang ginawa sa 'yo?" napanguso naman ako at napaisip. May mga effort na nga bang ginawa sa 'kin si Link aside sa pagbibigay ng pagkain?

"Um, meron na po gaya ng paghatid niya dito sa 'kin sa bahay. 'Yong pagtuturo niya sa 'kin ng basketball kahit pagod siya dahil sa practice... pati 'yong pagpapadala niya ng Grade 8 student sa 'kin para lang may makasama ako. Marami-rami na rin po," sabi ko.

"Nagpadala ng Grade 8 students, bakit?"

"Ito kasing si Lica at Ate Jove hindi ako sinipot sa Canteen, kami dapat ang sabay na tatlo magla-lunch. Eh, hindi pumunta ang dalawa siguro nakita ako ni Link kaya ayon sinabihan niya 'yong bata na samahan ako." Ngumiti naman si Mama.

"See, paano pa kaya kapag kayo na?" Ngumiwi naman ako sa sinabi ni Mama, botong-boto talaga siya kay Link.

"Mama, 'yong mga lalaki magaling lang kapag nasa ligaw stage pa." Si Mama naman ang napangiwi sa sinabi ko.

"Hindi lahat. Tignan mo 'yong Papa mo, kung ano siya no'ng nanliligaw hanggang sa naging kami at ngayong may anak na kami gano'n pa rin siya." Weh?

"Eh, ang sabi nga nila kapag naging asawa mo ang boyfriend mo. Marami kang bagay na malalaman sa kanya na hindi mo nalaman no'ng kayo pa." Saad ko.

"Oo, meron nga akong mga bagong natuklasan pero hindi naman mala-deep web ang datingan. No'ng mag-asawa kaming dalawa, nalaman kong hindi pala marunong mag-gitara ang Papa mo." Anong connect no'n?

"Hindi naman talaga marunong mag-gitara si Papa, ah." Saad ko.

Kung maggi-gitara man ito, echos-echos lang. Kunyaring kakapa ng chords pero wala naman pala talagang kinakapa.

"Kasi no'ng dalaga pa ako, nang haharana siya sa bahay namin. Meron siyang gitara no'n, dagdag points para sa 'ming mga dalaga noon ang pagiging magaling ng isang lalaki sa instrumento."

Mahina naman akong natawa sa kuwenento ni Mama.

"So, naloko ka ni Papa, Ma?" tumango naman si Mama.

"'Yong kaibigan niya ang totoong nag-i-strum tapos siya akting-akting lang."

Pareho naman kaming natawa ni Mama. Sana gano'n rin kami ni Link sa future, pero... magagaya rin kaya kami sa love story nila Mama at Papa na hanggang ngayon "stay strong"?

Ang Boyfriend Kong Hype Beast (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon