Love Lies 1

9.4K 252 3
                                    

I will definitely miss this place...

Kasalukuyan akong nakatingin sa huling pagkakataon sa aking kwarto. Oo sa kwarto ko, titira na kasi ako sa isang apartment. Kung kelan naman fourth year college nako saka pa ako pinayagang humiwalay ng mga magulang ko.

Sa abroad na kase titira sina Mommy at Daddy magma-migrate na sila sa Canada. Actually nandon na nga yung Ate ko kasama ng asawa nya. Isang Canadian national ang napangasawa ng ate ko at doon na sila tumira after ng kasal. Nurse si Ate sa Canada kaya nya ito nakilala.

Ako naman, maiiwan muna dito sa Pinas to finish my studies. After kong grumaduate ay susunod narin ako kina daddy at mommy doon.

Naibenta narin nila itong bahay namin kung kaya't kailangan na naming magbalot balot para kapag dumating na yung bagong may ari ay maayos na ang bahay.

Nakakamiss lang, dahil sa bahay na ito nako lumaki at nagkaisip. Marami akong memories at masasayang ganap na dito nangyari. Sana lang ay ingatan ito ng bagong titira dito kung hindi ay babawiin ko ito sa kanila.

Ayos na ang lahat ng gamit ko at mamaya lang ay ihahatid nako nila mommy sa apartment na aking tutuluyan. Same school parin ako mag-aaral pero ang kaibahan lang ay di na ako sa amin uuwi kundi sa apartment na. Mas magiging convenient iyon sa akin dahil mas accessible na ang magiging pagpunta ko sa school.

Hapon na nung marating namin ang titirahan ko. Namili pa kasi kami ng magiging grocery supplies ko sa apartment. Dapat talaga ay sa isang condominium for rent ako tutuloy, kaso ako nalang din yung nag-insist na isang apartment nalang para nadin maka-save ng pera. Nung una ay ayaw pa talaga ni Mommy 'pinupush nya parin ako na magcondo nalang pero ako talaga yung may ayaw. Mas gusto ko dito tahimik and mas may privacy.

Masaya rin kaming binati ni Madam Fely ang landlady ng aking tutuluyan. Doon ay chinika nya lang lahat ng mga dapat at bawal gawin sa loob ng paupahan nya. Actually wala naman syang masyadong rules at mukhang maluwag naman sya pagdating dito basta lang dapat ay ipagpaalam muna daw sa kanya.

...

Monday na naman pero di ako pumasok. Kausap nila mommy yung bagong may ari ng bahay namin. Binigay na nila dito yung susi ng pinto at nagbilin narin na ingatan yung bahay. Pagkatapos noon ay dumiretso na kami sa airport dahil ngayon ang flight nila papuntang Canada.

Ayoko man umiyak pero di ko kinaya yung luha ko. Si mommy kase eh' ang daming hanash lalo lang tuloy akong naiyak. Tahimik lang si daddy habang nakayap sa aming dalawa ni mommy. Nung tinawag na ang flight ay agad naman nila akong hinalikan sa pisngi at muling niyakap.

Hinintay kong makalipad muna ang eroplanong sinasakyan nila bago ako umalis ng airport. Medyo maaga pa naman kung kaya't naisipan kong pumara ng taxi para pumunta sa isang malapit na mall.

Tumambay muna ko sa isang café dito sa loob ng mall. Love ko lang talaga kasing magkape narerelax ako lalo na ngayong naglulungkot lungkutan ako. Don't get me wrong ah? di naman sa masaya akong wala na yung magulang ko dito sa pinas para bantayan ako. It's just that matagal tagal ko din namang inasam ang freedom na ganito kung kaya't nagsasaya rin naman ako ng very slight charot.

Bigla namang nagring ang phone ko at tumambad sakin ang contact photo ni Warren bestfriend ko.

"Oh? baket?"

"Nasan ka Timothy? bat di ka pumasok?"

"Ngayon yung flight nila mommy sira!"

"Loko ka! bat di moko sinama! para di nako pumasok!"

"Siraulo! di ka naman nagtanong eh?"

"Gago, wala ka naman kasing tinext. Teka nasan kaba ngayon?"

Love Lies  [BoyxBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon