Masaya naman ako dahil ayos na ulit kami ng tropa. Oo tropa na raw kaming lahat simula pa ngayon. At least masasabi kong mukhang magiging masaya ang huli kong taon sa college dahil may bago nakong kaibigang makakasama at magpapasaya sa akin.
Late na din kami nakauwi kahapon kina Ryle dahil nagrequest ang mommy nitong doon na daw kami maghapunan. Marami itong prinepare na pagkain, lahat ng iyon ay para lang sa amin.
After kumain ay nagka-ayaan pa silang maligo sa pool saglit. Ako nama'y naupo lang sa may gilid. Ayoko naman kasing maghubad pa dahil wala naman akong ibang dalang damit.
Well, sila Cholo kasi prepared naman dahil may damit sya sasakyan ganun din sina Edward, Vincent at Luke kasi ang mga Varsity palaging may extrang damit sa bag kapag pinagpawisan.
Sinawsaw ko na lang yung mga paa ko sa gilid. Bigla din namang umupo at tumabi sa akin si Ryle.
Ayun nagkwentuhan kami, nagkwento ako about sakin at sa family ko. Ganun din sya sa akin, nagshare sya nga mga bagay bagay tungkol sa buhay nya.
Diko alam pero sa maikling panahon na nakilala ko itong si Ryle ay masasabi kong mabait naman syang tao. Isa rin sa nakakatuwa sa kanya, ay bukod sa medyo nerdy nga sya ay pinili nyang ma-engaged sa sports at makipagkaibigan.
Nakakagulat lang na di mo mababakas sa personality nya na ang mga kaibigan nya ay mga maiingay at magugulo pero masaya namang kasama. Sa looks kasi ni Ryle para syang introvert type of person sa unang tingin. Pasensya naman po ah? di ako judgemental lol.
Medyo naging akward lang yung situation namin nung biglang tumalon si Edward mula sa pool.
Tumapon ang malakas na impact ng tubig at ang iba ay tumalsik sa amin.
Medyo nabasa kami ni Ryle doon.
Nagulat nalang ako ng bigla nyang pinunasan ang mukha ko gamit ang sando nya. Na-expose sa mukha ko ang katawan ni Ryle.
Di ko makuhang tumingin sa abs nya habang nakalapit sya sa akin at pinupunasan ang mukha ko.
Nakahalata ata sya na medyo natulala ako sa ginawa nya kaya tinanong nya kung okay ako.
Tumahimik ako saglit.
Napansin ko naman yung salamin nya sa mata na mukhang nabasa rin dahil sa mga mumunting butil ng tubig dito.
Inilapit ko ang katawan ko sa kanya at hinawakan ko sya sa kanyang mukha. Kinuha ko ang salamin nya at pinunasan ko gamit ang uniform ko.
Halatang nabigla rin sya sa ginawa ko dahil medyo dumilat ang may pagka chinito nyang mata.
Muli kong isinuot sa kanya ang salamin nya at mas luminaw na ito.
Nagkatitigan kami sa isa't isa at bigla naman akong nahiya at napayuko, ganun din sya at ibinaling nito ang mukha nya sa kabilang gilid at nanahimik.
Doon kumalat sa atmosphere namin ang akwardness.
...
Katatapos lang ng klase namin at papunta kami ngayon sa University Gym dahil mag-iinterview ulit kami. Ngayon lang daw kasi pumayag magpa-interview ang Head Coach na iyon kung kaya't ito na lang ang natitira at kulang na sports category para sa shoot namin.
Medyo nagtataka naman ako dahil tapos na naming mag-interview sa Volleyball team bakit kailangan pa naming bumalik dito sa U.G. para magconduct ng interview? Kaya tinanong ko na ang leader namin.
"Angeline, diba tapos na tayo sa Volleyball team? Bakit babalik pa tayo dito sa gym?" tanong ko dito.
"Nakalimutan mo naba yung Basketball Team?" pagtatanong din nya sa akin.
BINABASA MO ANG
Love Lies [BoyxBoy - COMPLETED]
RomansaTimothy, an NBSB gay guy who accidentally met this stranger that costs him nothing but annoyance. He was so irritatated on the way this guy looks at him, the way he talks, his presence or should I say the whole guy itself. The world become smaller f...