Love Lies 54

2.5K 78 1
                                    

"Okay ka lang? Mukhang pagod na pagod kana ah? Papasok palang tayo oh" bungad ni Irish sakin.

Nagkasabay kaming pumasok. Nakita ko kasi sya, bumaba sa motor ni Edward. Sinundo ata sya sa bahay nila at sabay silang pumasok.

"Hmmmm daming ganap besh, pagudan ang lola mo" dinaan ko nalang sa biro ang pagsagot ko sa sinabi nya.

"Woah? Tamlay ang bruha ah? Siguro umuwi si Papa Grecko tapos pinagod ka ng husto ano?!" pang-asar na boses nya.

Natampal ko naman sya sa braso nya. Lakas kase ng bunganga nasa hallway pa naman kami.

"Shet! Bunganga mo ah! Hindi ah? Di pa nga kami nagkikita nun diba? Di pa sya umuuwi eh" sagot ko naman dito.

Tumingin naman sakin si Irish.

"Oh bat ka ganyan maka-tingin?" taas kilay kong tanong.

"Awwww, malungkot kaba besh ko? Halika nga rito Hug kita" at bigla naman akong hinila ni Irish.

May ibang napatingin samin.

Pero wala kaming paki sa kanila.

Humiwalay sakin si Irish at muli ulit akong tiningnan.

Wala naman akong masabi sa kanya.

Kaya nagkatawanan kami.

"Hahahahaha besh ano ba! Wala ka bang sasabihin?" natatawang tanong nito sakin.

"Huh? Saan? Para kang sira?" sagot ko naman.

Umirap sya at muling tumingin sakin.

"Sabi ko diba? Mukha kang malungkot? Malungkot ka nga ba talaga? Si Grecko ba? Nag-away ba kayo?" this time seryoso na si Irish.

Huminga ako ng malalim at sumagot sa kanya.

"Oo medyo malungkot ako ngayon. Miss ko na sya tapos stress pa ko sa school works" sagot ko dito.

Mukhang di convince yung mukha ng bruha.

"Tologo? Di kayo nag-away or something?" paninigurado nya.

"Baliw, wala ah. Namimiss ko lang sya tapos dagdag mo pa tong school works saka pagod talaga ko ano? Kakagawa ng gawaing bahay kahapon. Ayoko ngang pumasok ngayon eh kung di lang required kay Ma'am Javier di talaga ko papasok" pageexplain ko dito.

Ayokong banggitin kay Irish kung ano talaga yung iniisip ko. Alam ko namang walang preno bibig nito eh, kaya for sure makukwento nito kay Edward.

Di naman sa walang tiwala ako kay Edward pero kase, parehas din sila ni Irish ang daldal, baka makwento nya kay Cholo. At syempre ang bestfriend na si Cholo, na kay Grecko ang loyalty. So, alm na? Malalaman at malalaman din nya.

"O sya, sige na. Ayus ayusin mo kasi yung mukha mo. Umagang umaga nakasambakol agad istura mo. Alam mo? Kape tayo later ano?" pag-aaya nito sakin.

Tumingin naman ako sa kanya ng seryoso.

Siguro naman okay lang munang mag-chill ano? Kahit ngayong araw lang? Or kahit mamayang uwian lang?

Gusto kong magkape! Nakakamiss mag-kape.. Sa labas syempre. Palagi na nga akong nagkakape sa bahay, pero iba padin yung kape sa labas eh.

"Oo na sige, libre moko ah? Para mag-lighten up na talaga yung mood ko hehe" paghirit ko naman sa kanya.

"Inaya ba kita? Parang wag nalang pala.. Busy din pala ako, ayokong mag-chill mamaya. Mag-asikaso nalang pala tayo ng school works, kailangan nating magseryoso besh! We have no time for that!" pagbara naman nito sakin.

Love Lies  [BoyxBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon