Love Lies 50

2.6K 84 1
                                    

"Oy, Timothy!" masayang bati nito sakin.

Sa totoo lang ay kinabahan ako. Sino ba namang hindi kakabahan? Nandito ako sa daan naghihintay ng masasakyan tapos biglang may hahawak sa balikat ko? Malay ko ba kung snatcher na pala yun jusko!

"Oh, ikaw pala yan hehe" medyo akward kong sabi sa kanya.

Halata namang naguluhan sya sa nireact ko.

"Ba't ganyang itsura mo? Nagulat ba kita?" pagtatanong nya sakin.

"Ah, medyo haha" sagot ko naman sa kanya.

"Hmmm? San ka pupunta?" tanong nya ulit.

Tumaas naman ang kilay ko sa tanong nya.

"Owww wait wait, bakit nakataas kilay mo? Diba sabi mo okay na tayo? Nagtatanong lang naman ako eh" depensa nya sakin na may pakamot kamot pa sa ulo.

Natawa naman ako sa nireact nya.

"Oh, ngayon tinatawanan mo naman ako. Kakaiba ka talaga!" nakangiting sabi nito sa akin.

"Sira! Actually wala akong pupuntahan kase pauwi nako" sagot ko naman sa kanina nyang tanong.

"Ah, teka.. Sabi mo wala ka ng pupuntahan?" paguulit nya sa sinabi ko.

"Huh? Oo. Diba kakasabi ko lang" sagot ko ulit sa kanya.

Napangiti sya.

"Oh edi tara" sabay hawak nya sa kamay ko.

"Oy, oy, san moko dadalin?" takang tanong ko sa kanya.

"Basta, ngayon na kita ililibre ng peace offering ko para sa'yo" nakangiti nyang sabi sakin.

Wala nakong nagawa kundi sumama nalang sa kanya. Kung makahila rin naman kasi ng kamay tong lalaking ito eh.

Tumawid kami at naglakad pa ng kaunti. Lumiko kami sa kabilang street at saglit lang ay huminto kami sa isang shop.

Nasa harap kami ngayon ng isang Ice Cream parlor?

Teka? Kelan pa to? Parang bago lang to ah? Parang di ko naman alam na may ganito na pala dito? Bihira rin kasi ako madaan sa gawi dito.

"Tara na?" sabi sakin ni Colton at muli ay hinawakan nya yung kamay ko papasok ng ice cream shop.

Pinaupo nya ko sa isa sa mga tables doon.

Agad naman syang nakipag-usap sa counter, ang gara nga ng approach nya eh parang hindi sya umorder parang nakikipagkwentuhan lang sya.

Medyo nagtataka narin ako kung bakit ganun sya umasta?

Bumalik sya at sinabing naka-order na raw sya pero di ko naman sya nakitang nagbayad sa counter.

"Naka-order kana?" pagtatanong ko sa kanya.

Ngumiti naman sya sakin bilang sagot.

"Pero di kita nakitang nag-abot ng pera sa cashier?" tanong ko naman sa kanya.

Medyo napatawa naman sya sa sinabi ko.

"Hindi talaga ako magbabayad kasi, sa lolo ko tong shop na to" sagot naman nya.

"Huh? So ibig sabihin sainyo to?" tanong ko naman sa kanya.

Tumango naman sya bilang sagot.

"Wow" yun nalang ang nasabi ko.

Ngumiti na naman sya ulit sakin at parang natatawa dahil sa reaction ko.

Luminga ako at inikot ang paningin ko sa buong shop. Malaki sya infairness.

Love Lies  [BoyxBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon