Love Lies 57

2.5K 79 2
                                    

"Ilang copy dito?" tanong sakin ni Ateng nagxe-xerox.

"Bale tig-aapat po kada page, tapos dito naman po sa kabilang folder tig-siyam po kada page" sagot ko naman dito.

"O sige" sagot ni ate habang nililista nito ang sinabi ko.

"Saka po, magpapaprint din po pala ako" dagdag ko rito.

"Punta ka nalang dun sa may gilid, magpa-assist ka dun sa lalaking naka-yellow na shirt" utos nito sakin.

"Ok sige po" at pumunta na nga ako sa may gilid ng stall na ito.

Nagpapaphotocopy kasi ako ng mga thesis materials, para sa nalalapit na final defense namin.

Ako ang nakatokang magpaphotocopy at magpaprint ng mga handouts na ito..

Buong hapon na kaming magkakasama ng mga groupmates ko, at bukas naman ay magpapractice ulit kami upang mas mapaghandaan pa ito ng husto.

As usual di na naman kami magkasama ni Irish, diko alam kung kasama nya yung groupmates nya or kung si Edward ba.

Basta ang focus ko ngayon ay itong thesis namin. Kapag talaga nakaraos ako rito,  magwawalwal talaga ako.

Hintay hintay lang ako na matapos sa mga pinapaxerox ko at pinaprint, habang nagmuni muni.

Kanina ko parin chinecheck ang phone ko kasi may mga missed calls si Grecko pero di ko napansin. Nasa bag kasi tong phone ko eh kaya di ko na namalayang may tumatawag pala. Bawal naman kasi akong mag-ringtone dahil sa library kami gumagawa at nakatambay buong maghapon.

"Kuya, eto na po yung sainyo, 160 po dito, tapos 356 naman dito at sa pinaprint nyo naman po ay 120 bale P636 po lahat" pagtototal ni ateng nagxexerox sa lahat ng pinaphotocopy ko.

"Sige, eto po" nag-abot nako ng pitong daan at naghintay nalang sa sukli.

"Eto po, salamat po" sabay abot sakin ni Ate ng sukli ko.

"Sige, po thank you rin po" paalam ko rito.

Bitbit ko lahat ng mga pinaxerox kong papel, sa totoo lang di ko alam kung bakit ba nagprisinta pa akong gawin ito. Ang bigat bigat sobra! Ang dami dami nya! Ilang pages ba naman ito, ang kapal kapal grabe! Tapos tig-iilang copies pa? Jusko.

Okay, reklamadora here! Hahaha pero kasi ang layo pa nitong pinagxeroxan ko dun sa library kung saan ako papunta.

"Okay, Timothy ginusto mo yan eh' kaya panindigan mo!" sabi ng utak ko sa sarili ko.

Okay! Fine! Tssssss.

Naglalakad ako ngayon sa may hall dito sa may Archi Building. Eto lang kasi yung naisip kong daan na mas mapapadali ang pagpunta ko sa may library.

May mga ilan ilan pang estudyante dito, nilalagpasan lang ako. Wala man lang may pake sakin? Grabe hirap na hirap nako rito oh? Wala man lang mag-offer na tumulong?

Okay, reklamadora here ulet! hahaha bwiset.

"Timothy!" sigaw sakin ng isang boses mula sa likuran ko.

Nilingon ko ang partikular na boses na iyon.

At tama nga ako si Colton ito.

"Oh, Colton" bati ko naman sa kanya.

Pilit akong ngumiti kahit deep inside ang sakit sakit na mga braso ko, nangangalay nako, anytime pwede ko ng mabagsak itong bitbit ko.

Tumakbo sya palapit sakin.

"Tulungan na kita" agad nyang kinuha ang karamihan sa mga binibitbit ko.

Hindi naman na ako tumanggi dahil hirap na hirap na talaga ako.

Love Lies  [BoyxBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon