Love Lies 47

2.6K 90 1
                                    

Valentines Day ngayon. Nagkalat na naman sa campus namin ang mga magjowa. Kaliwa't kanan ang mga nagbibigayan ng boquet of flowers, chocolates, mga stuffed toys mga usual na makikita mo tuwing araw ng mga puso.

Maaga akong gumising dahil nagsimba muna ako. Medyo tanghali narin naman kasi ang klase namin ngayong araw eh, yun ay kung magtuturo pa ang professors namin. May program din kasi dun sa may field. May mga nakatayo ring mga booths dun sa may gilid para lang syang one day school fair.

Di ko alam kung san ako pupunta. Literal na wala akong kasama. Ako lang mag-isa ngayon ang nandidito. Di ko nga alam kung bakit pa ko pumasok eh.

Sa totoo lang tamad na tamad ako. Attendance lang naman ang habol ko eh, balita ko kasi magpapa-attendance yung prof kong masungit kaya pumunta ko rito.

Kung hinahanap nyo si Irish ay kanina pa sya walang paramdam sakin. Binati nya lang ako ng 'Happy Valentines' sa text tapos nung nagreply naman ako at tinanong ko sya kung papasok ba sya or hindi, ay never naman na sya sumagot.

Si Warren naman ay di ko na talaga nakikita lately. Ewan ko ba dun? Wala akong balita sa kanya. Wala rin syang paramdam.

Hayyyy.

Ang tropa naman, sina Cholo and company di ko narin nakakasabay pag lunch. Sa sobrang dami kong hinahabol na school works di na ko nakakasabay sa kanila kumain dahil mas inuuna ko yung gampanin ko. Dagdag pa dyan yung School Org namin na kung saan ay active rin ako masyadong maraming ganap ang hirap na tuloy magkaroon ng social life. (Arte ko! Charot!)

Naisipan ko munang lumakad lakad dito sa campus. Nagbabaka sakaling may makaka salubong akong kaklase ko. Para narin makapag-tanong na ko, kung nasan ba yung may hawak ng attendance sheet at nang maka-uwi na ko

Tumingin tingin ako sa mga booths na nandidito. Medyo nagugutom narin ako kaya naisipan kong maghanap ng booth na nagbebenta ng pagkain.

Tumigil ako sa isang booth na nagbebenta ng burger. Natakam naman ako sa amoy ng burger nila. Iba raw kasi yung karne na ginagamit nila bilang patty. Sa totoo lang akala ko talaga ay Yum Burger yung binebenta nila dahil ganun yung halimuyak nung burgers habang niluluto.

Naisipan kong bumili ng dalawa. Natawa pa nga yung nagbebenta sakin dahil bakit daw dalawa. Wala eh, gutom na gutom na talaga ako. Haha

After kong maubos yung isa sa mga burger ay naghanap naman ako ng maiinom. Wala kasing binebentang panulak yung booth na binilan ko ng burger eh. Haysss very wrong, mali ang marketing strategy. Dapat kapag nagbebenta ka ng pagkain magbenta ka narin ng drinks para sayo narin ang kita diba? Ayan tuloy after kumain sa kanila lumilipat pa tuloy sa ibang booth yung mga nauuhaw.

Tumigil ako sa isang booth kung saan nagbebenta sila ng mga iba't ibang drinks. May ice cream machine din kaya mukhang nagbebenta rin sila nung soft served na naka-coned ice cream.

Bumili ako ng lemonade, syempre fave namin to eh haha.

After kong kuhanin yung sukli ko ay bigla namang may nag-abot sakin ng isang cone ng Chocolate Ice cream.

"Ay, kuya.. Di po ako bumili ng ice cream!" pagtatanggi ko dito sa binigay nyang ice cream sakin.

"Ay, don't worry bayad na yan" nakangiti namang sabi nitong nagtitinda.

"Huh? Sino po?" tanong ko rito.

"Sagot na ng tropa ko yan" sagot naman nito sakin.

Tinuro nya yung tropa nyang tinutukoy.

Nakita ko ang isang pamilyar na lalaki na papalapit samin.

Nahihiya itong ngumiti at kumakamot pa sa kanyang batok.

Love Lies  [BoyxBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon