Love Lies 12

4.3K 141 7
                                    

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Vincent.

Shet! Bakit pa kasi ako nagreklamo? Diko naisip yun ah! Nagsisisi naman akong umapela pa ako.

"BODY SHOT! BODY SHOT! BODY SHOT!" sigaw nila.

"You go first" sabi ni Grecko sa akin.

Di ko alam kung anong gagawin ko. Kinakabahan ako at natatarantang kumuha ng asin. Nag-isip ako kung saang part ng katawan ko sya lalagyan nito para di naman akward sakin dilaan iyon.

Naisip kong sa dulo ng balikat nalang para after kong dilaan ay madidikit na ito sa manggas ng shirt nya para di gaanong mabasa ng laway ko.

"Sa dulo ng balikat ko ilalagay" sabi ko kay Grecko.

Agad naman nyang itinaas ang manggas ng kanyang shirt at na-expose ang kanyang biceps sa akin, kita ko rin ang kanyang tattoo mula roon.

Nanginginig kong binudbod ko ang asin sa dulo ng kanyang balikat.

Bigla naman hinawakan ni Grecko ang kamay ko.

"Relax" nakatingin sa mata kong sabi ni Grecko.

Nang mabudbod ko na ang asin ay nag-alangan pa ako kung itutuloy ko paba tong body shot.

"BILIS NA HUY!" pangangatyaw nila Irish sakin.

Pikit mata kong nilagok ang Tequila mula sa shot glass at dinilaan ng asin sa balikat ni Grecko.

Di ko magawang tingnan si Grecko sa mata. Wala namang kaso sa kanila tong body shots' pero bakit sakin parang akward at big deal to?

"Go Grecko, pare It's your turn!" sabi ni Cholo sabay tapik sa balikat ng bestfriend nya.

Kumuha naman ng konting asin si Grecko.

Hinintay ko syang magtanong kung saan nya ba balak ilagay yung asin para maihanda kona ang sarili ko.

Tiningnan nya ko sa mata at sinabing..

"Timothy? I think I like you" nalaglag ang panga ko sa sinabi nyang iyon.

Mabilis naman nyang nilagok yung tequila mula sa shot glass at hinagis yung asin sa bibig ko.

At doon muling lumapat ang bibig nya sa bibig ko.

Para kong naparalisa sa kinauupuan ko.

Nalalasahan ko ang tequila na natira sa bibig nya dahil sa bigla nyang paghalik sa akin. Ramdam ko rin ang paggalaw ng dila nya sa loob ng bibig ko.

Putangina ni Grecko, literal nyang dinidilaan ang loob ang bibig ko.

Hiyawan ang bumalot sa buong kwarto.

Tiningnan ako ni Grecko sa mata habang patuloy ang paggalaw ng dila nya bibig ko.

Diko alam sa sarili ko kung bakit napapikit ako at talagang dinama ang halik ni Grecko. Kusang gumalaw ang mga labi ko at nakipaglaban narin ang dila ko sa dila nya. Di ako makapaniwalang tumugon ako sa halik ni Grecko.

Hinapit pa ni Grecko ang katawan ko at mas lalo nyang idinikit saakin. Parang nawala naman ako sa tamang pag-iisip at kusang inilingkis ang mga braso ko sa batok nya.

Sunggab ng sunggab si Grecko. Hanggang sa pakiramdam ko ay mawawalan nako ng balanse.

At doon nga ay tumumba kami sa sahig habang magkapatong. Kapwa naghahabol sa aming hininga.

Malakas na hiyawan at murahan na may kasamang talunan ang biglang nagpabalik sa akin mula sa katauhan.

Fuck! Tangina ano na naman ang ginawa ko?

Love Lies  [BoyxBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon