Love Lies 3

5.3K 179 4
                                    

Sabado ngayon at naisipan kong gumising ng maaga. Wala naman kasi akong aasahan na iba kundi ang sarili ko lang kaya kailangan kong magluto ng breakfast para sa sarili ko, perks of living alone.

Di ako sanay na hindi kumakain ng kanin sa umaga kung kaya't sinangag ko yung natirang kanin kagabi at nagprito ako ng hotdog at itlog. Syempre di naman nawawala sa morning routine ko ang kape. Sobra akong narerelax kapag nagkakape ako. Stress reliever ko talaga sya.

Nagtext naman si Warren na susunduin nya daw ako ng 6pm para pumunta kina Cholo dahil ngayon nga yung birthday nito. Actually ayoko naman talagang pumunta kaso si Warren ang pilit ng pilit. Sabi pa nya di ko raw maeexperience ang saya kung magkukulong lang daw ako dito sa apartment ko.

Para saan pa daw itong one year freedom ko na walang parents na kasama, kung di ko rin naman daw susulitin.

Sabagay may point si loko don? kung kaya't pumayag narin ako. Lagot daw ako mamaya dahil sure daw na lalasingin nya ako. Natawa nalang ako sa pakana ng gago.

Since umaga pa naman at marami pa akong oras ay naisipan ko munang ayusin ang buong kwarto ko. Sa totoo lang masyadong malaki tong unit ko para sa isang tao lang. May sala rin sya tapos bukod yung mismong kwarto ko at banda sa dulo ay ang kitchen at banyo. Sapat na itong unit para tirhan ng isang pamilya. Nakakamiss tuloy yung kwarto ko sa bahay.

Abala ako sa pag-aayos ng unit at diko namalayang tanghali na pala. Ang dami ko ring binago sa set up nitong bahay. Mahilig kasi akong mag-ayos ng mga gamit.

Nagulat naman ako ng may biglang kumatok sa aking pintuan. Nakita ko sa Madam Fely yung landlady namin dito, may dala dalang sinigang na hipon. Binigyan nya ko para di na raw ako magluto pa ng tatanghalian ko.

Natuwa naman ako, dahil nagbilin pala sa kanya sina Mommy bago sila umalis na minsan ay iche-check daw ako ni Madam Fely kung okay lang daw ba ako para sure sila.

Napansin din ni Madam Fely yung mga pagbabago sa set up ng room na ginawa ko. Natuwa naman sya at nagandahan, nag-joke pa nga syang kung pwede daw ay pati yung bahay nila ay iayos ko. Dahil naging maaliwalas daw tingnan yung room ko.

Nang makaalis si Madam Fely ay agad ko naring kinain yung bigay nyang sinigang na hipon. Naghugas naman na din ako ng pinagkainan at namahinga muna.

Umupo muna ko sa couch at nagsimulang mag-browse sa phone ko. Lately di na ko nakakapag-open ng mga social media accounts ko kaya for sure tambak na naman notifs ko neto.

Nagcheck lang ako ng messages na mostly puro sa mga group chat na ginagawa ng mga classmates ko. Ang dami dami na nga ring group chat sa messenger ko. Halos lahat kasi ng subject may mga pinapagawang project or group work ay ginagawan ng GC. Kaya nga nalilito na nga din ako minsan kung sino sino ba ang mga kasamahan ko sa groupings eh. Bukod pa dyan ang GC namin na pang-Thesis. hayssss

Nakakaloka ang hirap ng graduating jusko ang daming ginagawa.

Pansin kong may mga new friend request ako. Di naman na kasi ako pala-accept ng friend request. Di naman kasi ako after sa dami ng friends at sa dami ng likes and reactions nilang maibibigay sa mga posts ko.

Hindi rin naman ako pala posts, hmmm sadyang di ko lang nakaugalian. Pero madalas din naman akong mag-My day or IG Story kapag may time ko. Pero may sort of pagka-maarte ako sa Instagram, gusto ko ay may pattern ang feeds ko. At di lang basta basta post ng puro selfies at ootds. hehe

Pinindot ko kung sino yung nagsend ng friend requests.

Nanginig yung kamay ko.

Love Lies  [BoyxBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon