Love Lies 51

2.5K 85 0
                                    

Martes ngayon at kanina pako bagot dito sa school.

Di kasi kami magkasama ni Irish dahil busy sila sa pagconsult sa thesis adviser nila ganun rin naman kami.

Kanina ko pa nga gustong lumabas ng library kasi inip na inip nako.

Gets ko naman na yung mga kailangan naming irevise at ayusin sa gawa namin. Medyo makulit lang tong adviser namin at paulit ulit nyang pinupunto yun nakakarindi pero naaappreciate ko naman.

Biglang namang tumunog ang cellphone ko.

Shet! Nakalimutan ko palang i-silent! Lahat ng mata nila ay saakin ngayon nakatingin.

Ganun din ang ibang taong nasa ibang table.

Agad kong sinagot ang tawag kahit diko pa nakikita kung sino ang caller.

"Hello?" bungad ko rito.

"Baby" sagot naman nito.

Baby daw? shet! teka? boses to ni Grecko ah?

Sinilip ko saglit ang screen ng phone ko at doon ko nga naconfirm na sya nga ang tumatawag.

"Oh? Grecko! Bakit?" nataranta naman akong sumagot sa kanya.

Binigyan ulit ako ng tingin ng mga group mates ko at pati ng adviser namin.

Shet! napalakas kasi yung boses ko eh.

Akward akong ngumiti at humingi ng pasensya sa kanila.

Sumenyas akong lalabas lang ako saglit para kausapin ang nasa phone ko.

Dali dali naman akong lumabas at pumunta sa may gilid ng hallway.

"Baby, nasan ka?" tanong nya sakin.

"Huh? Nasa school?" nagtataka ko namang tanong sa kanya.

"Labas ka dali" utos nito sakin.

"What? Lalabas? Bakit naman?" nagtataka ko paring sabi dito.

"Pumunta kang Gate 2 sa may COE Building" utos naman nya sakin.

"Dali na!" may otoridad nyang sabi sakin.

Wala naman nakong nagawa kundi ang pumunta roon.

Diko padin binaba ang tawag ganun rin naman sya ngunit walang nagsasalita sa aming dalawa.

"Just talk, i wanna here your voice baby" malambing na sabi nito sakin.

Bumuntong hininga ako.

"Anong gusto mong sabihin ko?" tanong ko naman dito.

"Hmmmm anything" sagot nya sakin.

Pagkarating ko sa gate two ay wala naman akong nadatnan doon.

Walang katao tao.

Ang init pa naman di ko na nakuhang magpayong.

"Huy Grecko, andito nako. Bakit ba?" tanong ko sa kanya.

Narinig ko ang pagtikhim nya, parang nagpipigil sya ng tawa.

"Huy? Ano na? Iniwan ko yung mga kagrupo ko sa may library. May sasabihin ka paba sakin? Ba't kailangan pakong lumabas dito" medyo naiinis ko ng sabi sa kanya.

Pansin ko parin ang pagpipigil nya ng tawa sa kabilang linya.

Napa-irap nako.

"Lakas ng trip mo ah? Wala kabang ginagawang trabaho ngayon ano?" pang-aasar ko sa kanya.

Di naman sya nagsasalita sa kabilang linya.

"Huy? Grecko? Ano bato? Balik nako doon ah? May sasabihin ka paba?" tanong ko sa kabilang linya.

Love Lies  [BoyxBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon