Love Lies 53

2.6K 80 0
                                    

Days, weeks, months had passed. Magugulat ka nalang ang bilis na pala ng oras.

Magtatatlong buwan narin to be exact simula nung muli kaming nagkita ni Grecko.

Malapit ng matapos yung internship nya pero mukhang matatagalan pa bago kami muling magkita. Naayos naman na yung problema sa firm pero kase di pa muna makakaalis agad si Grecko don sa firm dahil wala pang magiging in-charge para dun sa trabahong iiwan nya.

Diko naman masisi si Tito, alam ko kung gaano kahirap ang pagpapatakbo at pagganap sa firm nila gayong may dalawa na itong offices: isa dito sa luzon at ang isa nga ay sa nasa visayas.

Hindi basta basta maiiwan ni Grecko yung ginagawa nya at trabaho nya don kahit na tapos na ang internship nya. Kaya doon oa muna sya, which is maganda rin naman kahit papaano mas lalo pa nyang mapagaaralan at magiging sanay sa trabahong sya rin naman ang hahawak for sure.

Ako naman, eto sobrang busy sa mga gawaing school.

Malapit na kasi ang final defense kaya puspusan narin kami sa pagrevise at pag-gawa ng mga natitirang chapters ng study namin.

Di na nga ako nakakagala kasama ang tropa eh. Maging si Irish man ay hindi na rin nakakasama sa kanila, kasi naman ngayon lang ata sya natauhan na kailangan na naming magseryoso sa mga bagay bagay jusko.

May halos isang buwan at kalahati nalang kami para sa graduation. Pero bago ko bigyang pansin yang graduation namin, sa tingin ko ay mas dapat ko munang unahin itong mga school works na magiging balakid pa sa pag-graduate ko hayssss.

Ganun parin naman yung routine namin ni Grecko, tatawagan nya ko sa gabi or minsan naman ay sa nagvivideo call kami. Madalas sya yung tumatawag, ayoko ko kasing maistorbo sya sa trabaho nya.

Ang sakin lang naman kasi, kahit na may ginagawa ako or may tinatrabahong school works or kahit pa gawaing bahay ay willing naman akong ihinto muna mapaglaanan lang sya ng oras.

Pero minsan naman ay di na kami nakakapagusap pa. Siguro ay dala narin ng pagod kaya nagmemessage nalang ako sa kanya.

Weekends ngayon, pero kahit pa restday ito ay parang wala namang "rest" akong napapala. Kakatapos ko lang maglinis ng bahay.

Nagreready nako ng pananghalian ng biglang tumunog ang laptop ko.

Agad ko naman itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Sina Mommy pala.

Sinagot ko ito at binati si Mommy.

"Mommy!" gulat at masaya kong bati rito.

"Kamusta anak?" pagbungad ni mommy sakin.

"Okay lang naman po, Kayo po kamusta na? Saka po nasaan po si Daddy?" tanong ko naman dito.

"Okay lang naman kami anak, nasa trabaho na ang daddy mo, anak teka nga lang ba't mukhang puyat ka?" concerned na tanong sakin ni Mommy.

Oo nga, nagkaka-eyebags narin ako dahil sa pagpupuyat kakagawa ng school stuffs.

"Medyo tambak lang sa school works, pero kinakaya naman" natatawa ko pang sagot.

Ngumiti naman si Mommy sakin.

"Kaya mo yan nak, pero wag mo namang pababayaan ang sarili mo. Konting tiis lang muna sa ngayon, saglit nalang naman at magtatapos kana. Magkakasama sama na tayo rito" pagpapagaan ng loob sakin ni Mommy.

Pero gumaan nga ba ang loob ko?

Shet, oo nga pala. Yung pagpunta ko sa Canada.

Isang bagay na gumugulo sa isip ko dati pa.

Love Lies  [BoyxBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon