Love Lies 16

4.5K 159 8
                                    

"Ano ba? Bitawan mo nga ako" pagpupumiglas ko dito.

"Grecko!!! Ano ba? Kapag yung camera ko nalaglag sinasabi ko sayo, patay ka saken!" at patuloy nya parin akong kinakaladkad.

Sinandal nya ko sa pader. Hinarap nya ako sa kanya at nakita ko ang kaseryosohan sa mga mata nya.

Walang ibang tao dito sa locker room since nandun silang lahat ng team mates nya sa gym.

Lumapit naman sya sakin at kinuha ang bag ng camera mula sa balikat ko.

"Hoy! Ano ba! Anong gagawin mo jan!" inis kong sabi sa kanya.

Nakita ko namang binaba nya ito sa may bench.

Lumapit muli sya sakin.

"Hoy, Grecko anong problema mo? Anong drama na naman to?" inis kong sabi dito.

"Bakit mo ginawa yun?" tanong nya sakin.

"Huh? Anong ginawa ko?" tanong ko naman sa kanya.

Ano bang problema nito?!

"Nung party mo, Bakit mo ginawa yun" seryoso nyang tanong sa akin.

"Huh? Ano ba? Bakit di mo pako diretsuhin!" pagalit ko nang sabi sa kanya.

"Bakit ka naglasing, bakit mo ginawa yun!" tanong parin nya.

"Bakit ako naglasing? Seriously di mo alam? Tangina mo Grecko! Ikaw! Ikaw yung dahilan ko kung bakit ako naglasing!" pagsigaw ko sa kanya.

Medyo umatras naman sya sakin.

Pero na natiling kalmado at seryoso parin ang itsura nya malayong malayo sa itsura nya during the interview kanina na pangiti ngiti lang.

Hindi ko alam kung saan ako huhuhugot ng lakas ng loob ngayon.

Naisip ko, tutal nacorner narin naman nya ako might as well sabihin ko na lahat ng nasa loob ko. Hindi ko na kayang umiwas pa ng ganito. Siguro nga dapat malinaw ko na kung anong meron sa amin.

"Gusto mo bang malaman kung bakit ko nagawang magpakalasing? Huh?

....kasi gusto kong makalimutan yung ginawa mo saken! Gusto kong makalimutan yung halik mo! Gusto kong makalimutan yung nakakalunod mong tingin. Gusto kong makalimutan ka!" buong lakas kong sigaw sa kanya.

"Pero nagkamali ako, naglasing ako para makalimutan ka kaso napasama pa ata eh?" naiinis kong sabi dito.

"Ngayon gusto kong iwasan kana, kasi Grecko! Di ko alam kung anommmmp..."

Hindi ko na natapos yung sinasabi ko. Hinalikan na naman nya ako but this time napigilan ko ang sarili ko, hindi ako nagkiss back sa kanya. Nanatili lang ako at itinulak sya.

Nagulat sya dahil wala akong naging reaction sa halik nya.

"Ayan ka na naman eh! Tangina Grecko! You shouldn't kiss me like this and then tomorrow you'll gonna act as if nothing has happened between us! Grecko! Tao ako! You can't expect na wala lang saken to oh? Stop treating me as if I'm one of your make out girls coz I'm not! Wag mo naman akong ganituhin oh!" emosyonal kong sabi sa kanya.

At ngayon nakita ko nalang ang sarili kong lumuluha for the first time dahil sa isang lalaki.

"Kasi Grecko di mo alam yung epekto nung halik mo, wala kang alam kung paano ako hirap na hirap matulog sa gabi dahil sa kakaisip sayo at sa nakalunod mong tingin. Wala kang alam kung paano ako hirap na hirap umiwas sayo para di na kita makita. Kasi siguro kung di kita makikita baka naman makalimutan kita at maging payapa naman yung araw ko" tuloy tuloy kong sabi sa kanya.

Love Lies  [BoyxBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon