Love Lies 19

4K 140 3
                                    

"WHAT! ANO? You and Greko are now dating?!" gulat na gulat at hindi makapaniwala si Irish sa sinabi ko.

"Oo, It's been weeks narin simula nung manligaw sya sakin" pagkwento ko dito.

Yes, I decided na sabihin narin kay Irish kung anong meron samin ni Grecko.

Ang hirap na kasing magsinungaling at magdahilan nang kung ano ano sa tuwing magkasama kami.

Madalas rin akong maghintay kay Grecko kapag nasa Basketball Training sya kung kaya't ayun nagtataka narin si Irish kapag hindi kami nagsasabay sa paguwi.

"Buti naman naisipan mo ng umamin sakin? Ang hirap magtago ano?" pangaasar nito sakin.

"Yas friend, true ka jan! Sorry din ah? Kapag kasi di ako makasama sayo or di kita masabayan it's because of Grecko." paghingi ko ng sorry dito.

Infairness namiss ko rin ang bruhang ito ah?

"Hmmmm nako, kung di lang kita love jan eh hihi, pero mas love ko si papa Luke hihi" pagiinarte nito.

Nasabi ko bang namiss ko sya? Ay parang hindi nalang pala tsss.

Inirapan ko naman sya sa sinabi nya.

Actually mas nauna ko talagang sinabi to kay Warren. Naabutan nya kasi nun si Grecko sa unit ko binibisita ako. Syempre medyo nagtaka na sya kung anong meron samin then ayun umamin kami sa kanya. Kinausap naman ni Warren si Grecko tungkol dun at diko alam kung anong pinagusapan nila, may nalalaman pa kasi silang man to man talk. tssss

"Teka friend, eh sa tropa kelan mo balak sabihin?" tanong ni Irish.

Oo nga pala. Nahihirapan na rin nga akong magdahilan or tumanggi sa tuwing mag-aaya silang gumala at magchill. Nagtatampo na nga daw sila sakin dahil di nako sumasama sa kanila.

"Hayyy ewan ko. Tatanungin ko pa si Grecko kung okay lang sa kanya." sabi ko kay Irish.

"Mukha namang okay lang kay Grecko kung malaman na nila, mas mabuti narin yun nang hindi na kayo umiiwas, nakukuha mo pa tuloy magsinungaling sa kanila" pagrereason out nya sakin.

Kung sabagay, may point sya don.

Siguro nga dapat umamin na kami ni Grecko now that we're officially dating.

..

Nagising ako sa mga katok at ingay na nanggagaling sa labas ng unit ko. Parang mga tawanan at ng mga tao. Medyo nabobosesan ko naman yung iba sa kanila.

Tumingin ako sa orasan at napansin kong 5:30 palang ng umaga. WTF?

Dahil nga sa irita ko ay binuksan ko na yung pintuan.

Tumambad sakin ang tropa kumpleto sila kasama rin si Ashton na ngayon ko lang ulit nakita.

"Oh? Ano bakit nandito kayo? Ang aga aga ah?" sabi ko sa kanila.

"Hoy! Friend ganyan mo ba kami sasalubungin?" pagbungad ni Irish, nilagpasan at dumiretso na sa loob ng bahay.

Pumasok na din naman silang lahat sa loob.

"Oh bat ganyan ang gayakan nyo? San punta natin?" tanong ko sa kanila.

"We're going to our rest house in Zambales!" sagot ni Cholo.

"Woah? Talaga? di ako na-orient biglaan naman ata?" gulat kong sabi.

"Tssss dami pang arte eh, bilis na ligo na. Baho muna eh' para makaalis na tayo" sabay tulak sakin ni Irish sa banyo.

"Namo ka! Oo na leche" inis kong sabi dito.

Pumasok narin naman ako sa banyo ng makaligo na.

Nalaman kong two days and one night kami doon. So ibig sabihin ngayong buong weekends ay doon kami magi-stay. Nakakaloko naman sila kung ano maisipan jusko! Basta may gustong gawin pinupush nila saka mas masaya raw ng unexpected Haha.

Love Lies  [BoyxBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon