Balik eskwela ko today mga bes.
Wala naman ng ulan at maganda na ang panahon.
Natawa nalang kami ni Irish sa ginawa naming pag-absent kahapon.
"Hahaha, tangina bes. May mga ginawa pala sila kahapon tapos wala tayo" sabi ni Irish.
"Wow, ang gara naman nun? Hirap kaya pumasok kahapon ang lakas ng ulan wala bang consideration yun? Tssss" medyo naiinis kong tanong.
Nakakaloka lang malaman na ganun pa pala yung mapapala namin.
But anyway di naman ako nagsisi na di ako pumasok. Nagkaroon na naman kami ni Grecko ng quality time.
Speaking of Grecko. Wala syang paramdam ah? Although we don't usually texts each other ng 'good morning' pero may iba naman kaming naging usapan.
Basta dapat nakakapagtext man lang kami like any upadate tungkol samin tulad ng nakapasok kana ba, nasa school kana, kain kana ng lunch, nakauwi kana ba, mga simpleng ganyan lang.
Hindi naman kailangan oras oras ay alam namin ang ginagawa ng isa't isa basta kapag free ka at wala namang ginagawa sana naman makuhang mong magtext kahit papaano. Para naman ma-informed namin ang isa't isa at iwas worries narin diba?
Siguro ay busy na naman sya.
Pababa kami ni Irish ng building at papunta sana sa libary dahil may gagawin kaming research tungkol sa subject namin na International Marketing.
"Besh, ano bang country yung nabunot mo?" tanong sakin ni Irish.
"South Korea" sabi ko.
"United States yung akin eh" sabi nito.
"Shet! Ang lawak pala nung sa US, ang daming content neto, madami akong ipapaliwanag huhuhu" pagrereklamo pa nya.
"Tssss sabihin mo nalang 'Gusto nyo po ba talagang malaman yung self explanation ko para jan sa reseach ko? PM Sent ma'am .. para matuwa sayo ang prof natin at palabasin ka ng room lol" pagbibiro ko kay Irish.
Umirap naman si gaga pero natawa na din.
Paglabas namin ng library ay dumiretso na kami sa cafeteria.
Sa totoo lang nagsasawa narin ako sa mga pagkain dito. Kaya nga minsan nagbabaon nalang ako para di na ko bumili. Although iba iba naman sya araw araw pero kasi minsan nakakasawa padin.
"Besh, anong sayo?" tanong ni Irish sakin.
"Di ako bibili. May baon ako eh" sagot ko sa kanya.
"Ah? Penge nalang din ako sa baon mo" ideya nya naman.
Aba? Tangina hahatian pako?
"Ayoko nga, bumili ka jan!" sagot ko sa kanya.
"Tssss damot!" tumalikod na sya at pumunta ng counter.
Syempre nandun na sa usual spot ang Tropa.
Lumapit na ko at umupo."Di ka kakain Timothy?" tanong ni Cholo.
"Ay hindi, may dala akong sariling baon" nilabas ko yung baunan sa bag ko.
"Wow! Chicken Curry!" takam na takam na sabi ni Warren.
Well favorite nya kasi to eh.
"Bestfriend, baka naman pwede akong makatikim nyang luto mong Chicken Curry namimiss kona kasi yan eh?" pagpapacute pa nito.
"Oo na! Basta konti lang ah. Bibigyan ko pa si Irish" pagpapaaala ko dito.
"Yes!" sabi nito sabay kuha sa baunan ko.
BINABASA MO ANG
Love Lies [BoyxBoy - COMPLETED]
RomanceTimothy, an NBSB gay guy who accidentally met this stranger that costs him nothing but annoyance. He was so irritatated on the way this guy looks at him, the way he talks, his presence or should I say the whole guy itself. The world become smaller f...