Nandito nako ngayon sa couch at mag-isang umiinom. Kasi naman yung dalawa 'opo tama pa rin kayo, si Ashton at Luke parang may sariling mundo. Sila lang yung naguusap at di na sila umiinom.
Si Gagong Grecko naman? Ayun umupo na sa lapag kasama nina Cholo. Kanina pa sila dun at halatang lasing na silang lahat.
Kanina matapos kumain ni Grecko ay nilayasan ko agad sya. Humingi agad ako ng beer kina Warren at buong bilis ko yung binottoms up para mawala yung lasa ng kinain ko.
Nagsigawan naman sila sa ginawa ko at tuwang tuwa dahil nilaklak ko ng ganun lang yung beer. Naiisip ko palang na nagshare kami ni Grecko sa iisang kutsara ay kinikilabutan nako.
Inom lang ako nang inom dito dahil nga kwentuhan lang ng din nang kwentuhan sina Ashton at Luke tungkol sa sports. Di ako makarelate! Ang galing din ng dalawang to eh, party ko to? Tapos dinededma ako? Eh kung palayasin ko kaya kayong dalawa dito?!
"Guys!!!! Mukhang tumatamlay na ang ating party! Ito na ang right time para sa....Body Shots!" biglang sigaw ni Irish.
Jusko lasing na ang bruha.
Nagsigawan naman ang mga kalalakihan at tuwang tuwa sa kalokohang naisip ni Irish.
"WHO WANTS TO HAVE A MOTHER FUCKIN' BODY SHOT!" sigaw nito.
Wine-wave pa ni Irish yung bote ng Tequila.
Naghiyawan pa lalo ang mga loko dahil don.
Ah, So eto pala ang agenda ng babaeng ito kung kaya't pinipilit nyang bumili pa ng Tequila kanina. Basta may Tequila may Valak. lol
Tangina galawan mo friend hokage ka ng taon.
Tumakbo muna si Irish sa kusina at may kinuha sa ref.
"Syempre mawawala ba ang salt and lemon?" tuwang tuwa na sabi ng bruha.
"Ayun eh? G na G! naknampota ready!" tumatawang sabi ni Warren.
Ang galing lang? Buti pa yung asin at lemon pang body shot nagawa nyang iprepare? Pero di nya ko natulungan sa paggawa kanina ng lemonade tssss.
Bago pa man kami makapagsimula ay nagpaalam na si Ryle na uuwi na daw sya. Hinatid ko naman ito hanggang sa labasan at nagpasalamat. Sinure ko muna kung kaya nya pabang mag-drive at sinabi nyang okay naman daw sya.
Bumalik ulit ako sa loob at muling naupo sa may couch.
"Guys! bumilog tayo, Hoy! Luke, Ashton at Ikaw Bes wag kang mag-inarte jan di mo ikinaganda yan, sumali kayo dito" pagtawag samin ni Irish.
Umirap nalang ako at wala ng nagawa kundi umupo narin sa lapag. Ganun din sina Luke at Ashton.
Woah? Close na close na sila ah?
Bumilog naman kami tulad ng gusto ni Irish. Katabi ko si Luke sa kanan at sa kaliwa naman ay si Vincent. Dapat talaga ay uupo ako sa gitna ni Luke at Ashton kaso si Luke biglang umusod kaya di ko tuloy nakatabi si Ashton. Nyeta bigwasan ko kaya to ng isa? kanina pa to eh.
Inexplain naman samin ng magaling na si Irish ang sistema ng laro. Di lang sya ordinary body shot na basta basta ka nalang iinom at didilaan yung asin at sisipsip ng lemon.
"GUYS! ganito yung mechanics ng game. Maglalaro tayo ng 'Guilty or Not Guilty' kapag Not Guilty dapat di kayo tumawa pero kapag tumawa kayo ibig sabihin Guilty kayo at kailangan nyong magkipag-body shot as consequence. Spin the bottle ang sistema ng body shot kung kanino tatapat sya ang ibabody shot mo. Yun naman ay kung mag-isa ka lang na tumawa pero kung madami kayo? bahala na kayo sa isa't isa kung kanino nyo gustong magbody shot tutal lahat naman kayo guilty eh!" mahabang explanation ni Irish.
BINABASA MO ANG
Love Lies [BoyxBoy - COMPLETED]
عاطفيةTimothy, an NBSB gay guy who accidentally met this stranger that costs him nothing but annoyance. He was so irritatated on the way this guy looks at him, the way he talks, his presence or should I say the whole guy itself. The world become smaller f...