Nandito kami ngayon ni Grecko sa apartment ko. Hinihjntay nalang naming mag-online sina mommy at daddy sa skype para sa video call.
Ngayon ang araw na ipapakilala ko si Grecko, kina mommy at daddy.
Tahimik lang ang loko. Pero kanina nakita ko todo ang inhale at exhale nya. Kinakabahan si Grecko! Hahaha.
"Huy? Okay ka lang ba?" tanong ko kay Grecko habang busy ako sa paghahanda ng meryenda namin.
Hindi naman sya sumagot sakin.
Lol, kinakabahan lang sya eh. Hahaha.
Narinig ko na tumunog na yung laptop. Ibig sabihin may incoming call na.
Sumilip ako sa kwarto.
"Sagutin mo na" sabi ko kay Grecko.
Kita ko naman ang pagkataranta ni Grecko base sa pag click nya.
Hahaha ang cute nya kabahan.
"Ah, Hello po" pagbungad ni Grecko kila mommy at daddy.
"Oh, hello din naman hijo, nasan nga pala si Timothy? Wala ba sya dyan?" rinig kong tanong ni mommy.
"A -eh.. naghahanda po kasi ng meryenda. Hehe ako nga po pala si Grecko Marasigan, ako po yung .. ano po.. Boyfriend ng anak nyo. Magandang araw po sa inyo at nice to meet you po" pagbati ni Grecko dito.
Sinasadya ko talagang tagalan yung paghahanda ng meryenda para si Grecko muna yung makausap nila mommy at daddy.
Pero sumilip ako para makita kung ano naba ang nangyayari sa kanila.
"Nice to meet you rin Grecko" rinig kong pagbati pabalik ni mommy.
"Nasan ba si Timothy? Yung anak ko ang gusto kong makausap" boses ni daddy yun for sure.
Hayssss si daddy naman eh! Sabi ko wag nyang takutin si Grecko eh!
"Ah- eh nasa kusina po, gusto nyo po ba tawagin ko?" akmang tayayo si Grecko pero biglang nagsalita si daddy.
"Oh? San ka pupunta? Wag kang tumayo maguusap rin tayo!" striktong sabi nito.
Nawindang ako sa kung paano magsalita si daddy kay Grecko.
Gulat man ay nanatiling nakaupo si Grecko at di alam kung anong gagawin.
"Gaano katagal na kayo ng anak ko?" tanong ni daddy.
"Magtu-two months na rin po" magalang na sagot ni Grecko.
"Oh? Two months na? Pero ngayon ka lang nagpakilala samin?" pagsusungit ni daddy dito.
Tssss wala namang kasalanan si Grecko dun.
Ilang beses ko nading chinat si mommy kung kailan available si daddy pero di pa raw pwede at masyado pang busy, ngayong araw lang ito umubra.
Kita ko naman ang pagkahiya at ramdam ko ang kaba sa pagyuko ni Grecko.
Hay nako, masyado ng harsh si daddy. Kailangan ko ng sagipin ang boyfriend ko.
Bumalik na ko sa kwarto at inilapag ang hinanda kong meryenda.
Umupo ako sa kama katabi ni Grecko.
Hinawakan ko naman ang kamay nito.
"Oh, Timothy anak. Miss kana namin ng mommy mo. Ngayon lang ulit kita nakita" pagbungad ni daddy sakin ng makita na nya ako sa screen.
"Hello po daddy, miss ko nadin po kayo dyan. Thank you din po pala sa regalo nyo nagustuhan ko po" pagbati ko rin.
BINABASA MO ANG
Love Lies [BoyxBoy - COMPLETED]
RomanceTimothy, an NBSB gay guy who accidentally met this stranger that costs him nothing but annoyance. He was so irritatated on the way this guy looks at him, the way he talks, his presence or should I say the whole guy itself. The world become smaller f...