Love Lies 30

3.4K 110 5
                                    

Nandito na kami ngayon sa hapag kainan.
Walang umiimik sa amin.

Walang gustong magsalita.

Nagbabasa ng newspaper ang daddy ni Grecko samantalang tahimik lang na kumakain ang mommy nya.

Alam ko, di ganun kadali maka move on sa dramang nangyari kagabi. Mahirap umarteng normal na parang walang suntukang naganap.

Bigla namang dumating si Gustav sa dining.

Nakukuha na nyang ngumiti na parang walang nangyari. Siguro na pagaan ko yung mood nya dahil sa pag-uusap namin kagabi.

Kumuha sya ng sandwich sa may lamesa.

Ang sama naman ng tingin ni Grecko sa kanya.

Pero parang tanga din naman si Gustav, di pa nga sila nagkakaayos at nagkakapatawaran. Tapos nakukuha na nyang ngumiti ng ganyan sa harap naming lahat. I mean, pwede namang mag-poker face na muna sya. Sa lagay kasi ngayon? mukha syang nang-aasar eh!

Binugbog parin naman nya kagabi itong boyfriend ko, baka nakakalimutan nya ano?!

Tumalikod na ito akmang lalabas na.

"Gustav anak, aalis ka?" tanong ng mommy nila.

Lumingon ito, at tumango lang sa mommy nila.

"Sa labas nako kakain" sabay talikod.

Pero bago pa sya tumalikod nakita kong tumingin ito sakin at kumindat.

Nakita yun ni Grecko.

Padabog na hinampas ni Grecko ang kamao nya sa lamesa.

"GAGO KA AH!" galit na sabi nito.

Tumalikod naman si Gustav at tuluyan ng lumabas.

Gulat na gulat ang mga magulang nila sa ginawang pagdadabog ni Grecko.

"Chill lang, Grecko" pagpapakalma ko sa kanya.

"Tssss gago eh' kinindatan kaba naman?" inis na sabi nito.

Hinawakan ko naman yung kamay nya sa ilalim ng lamesa para kumalma sya.

...

Matapos ang breakfast ay naisipan muna naming maligo sa pool.

Papahiramin daw muna ako ni Grecko ng damit nya. Sabagay kagabi ko pa suot yung damit ko.

"Tara na!" pag-aya nito sakin.

Umupo muna ako dito sa inupuan ko kagabi nung kausap ko pa si Gustav.

"Huy! tara na?" pag-aaya nya sakin.

Parang gusto kong magpa-pabebe muna. lol

"Baby, tara na? Sarap ng tubig oh!" pangeenganyo nya sakin.

Dedma padin ako sa kanya.

"Ah, gusto mo ng nilalambing ah?" umahon ito sa pool at dahan dahang lumapit sakin.

"Huli ka!" niyakap nya ko.

"Huy! Basa ka eh?" sabi ko naman sa kanya.

"Eh ano naman? Maliligo ka rin naman eh?" pangangatwiran nito.

"Eh, mamaya pako magsuswimming" sagot ko dito.

"Tsssss" tumalikod sya at binato yung tuwalya sa may kabilang upuan.

Shet! Nagalit ata.

Lumublob ulit sya sa pool.

Tangina! Nagalit nga ata.

Love Lies  [BoyxBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon