Naging mabilis ang mga araw. Katatapos lang ng unang semester namin.
Masaya naman kami ni Grecko sa takbo ng relationship namin. Tuwing monthsary ay di nawawala yung date namin. Pero kahit naman ordinaryong araw lang kapag nagkaroon kami ng free time ay naisisingit rin namin ang paglabas at pag-date kahit saglit man lang.
Ngayon ay almost 4 months na kaming mag-on. Last October nung birthday ni Grecko ay niregaluhan nya ako ng isang Pug na puppy.
Pinangalanan namin syang Gab short for Gabby lol. Ang cute cute nya sobra. Di ko talaga ineexpect yon dahil, sya kasi yung may birthday tapos sya pa yung nagbigay ng regalo.
Since mag-isa lang daw ako sa apartment, aso nalang daw ang naisipan nyang ibigay sakin.
Ituring ko daw na parang anak namin si Gabby. Kaya simula noon, isa narin sa priority ko ay ang alagaan ito. Minsan nga naisasama pa namin sya sa mga date at paglabas naman ni Grecko, yun ay kung alam naming pwede naman.
Kadugtong ng semestral break ang Christmas break namin. August kasi ang pasukan namin kaya December ang semestral break.
Kapag ganitong wala akong ginagawa at nasa apartment lang ako ay si Gabby ang kalaro at nagpapasaya sakin.
"Gabby, wag kang malikot" pagsuway ko dito.
Pinapaliguan ko kasi ito ngayon dahil aalis kami nila Grecko.Pupunta kami sa bahay nila dahil inimbitahan kami ni Tita Betina na doon muna magstay sa darating na Christmas hanggang Bagong taon.
Since wala naman ang family ko dito, mas maganda narin sigurong sa family na ng boyfriend ko, icelebrate ang holidays.
Namimiss ko tuloy sina mommy at daddy. Ito ang first christmas na darating, na hindi ko sila kasama.
Saglit lang ay may kumakatok na sa pintuan.
"Wait lang Gabby ah, nandyan na ata yung Daddy mo" pagpapaalam ko dito.
Nakasanayan ko narin kasing kausapin ito. Sa kanya kasi ako naglalabas ng sama ng loob kapag nagkaka-LQ kami ng daddy nyang si Grecko. Lol
Binuksan ko ang pinto.
Pumasok naman si Grecko.
"Where's Gabby? Gabby yoooohoo?" pagsalubong nito sakin.
Tssss tingnan mo to, mas inuna pa yung aso 'este anak namin kesa batiin ako.
Bigla namang nagtatakbo si Gabby sa kanya.
Binuhat naman nya ito at hinimas ang ulo.
Buti naman at napunasan ko na sya dahil nga bagong paligo lang ito."Good boy kaba Gabby?" pagtatanong nito.
Nakatayo lang ako sa harap nilang mag-ama at naghihintay na mapansin ako.
Tumingin naman si Grecko sakin at tumawa.
"Hahaha oy joke lang, haha miss you po" sabi ni Grecko, sabay hila sakin at niyakap ako habang bitbit nya si Gabby.
Mukha kaming happy family nito.
"Tsssss" kunwari ay naiinis kong sabi sa kanya.
At hinalikan ko naman sya sa pisngi.
"Gabby oh? Harot ng daddy mo. Wag mong tutularan to ah?" kunwari ay pinapangaralan nya ito.
"Lol, tara na nga at baka gabihin pa tayo dahil sa kaartehan mo jan" pag aaya ko sa kanya.
Kinuha ko na si Gabby sa kanya at sinuotan ng diaper. Baka kasi maihi nalang bigla sa byahe eh, mahirap na haha.
Dala ko ang malaking Gym bag ko laman ang mga damit at gamit ko para sa mahigit isang linggo kong pag-stay kina Grecko. Dala ko rin ang mga gamit at pagkain ni Gab para di na kami bumili pa.
BINABASA MO ANG
Love Lies [BoyxBoy - COMPLETED]
RomanceTimothy, an NBSB gay guy who accidentally met this stranger that costs him nothing but annoyance. He was so irritatated on the way this guy looks at him, the way he talks, his presence or should I say the whole guy itself. The world become smaller f...