Love Lies 5

4.7K 184 7
                                    

After lumabas nung lalaki ay humabol naman itong si ate girl na labas ang Bra.

Joke!

Syempre binutones nya muna yung blouse nya bago sya sumunod, alangan namang magmagaling sya at lumabas syang kita ang bra doon.

Siguro naman makaka-ihi nako nito ano? wala ng eeksena jusko!

Successful naman ang pag-ihi ko. Nilock ko naman na kase yung pintuan para wala ng ibang makapasok. Which is yun ang nakalimutan gawin nung dalawang yon kanina.

Syempre may salamin dito kaya tiningnan ko narin kung hulas naba ang itsura ko. Dampi dampi lang oil control sheets sa mukha ko and okay na.

Naisipan kong bumalik na sa party. Paglabas ko ay mas lalo atang nagkakasiyahan ang mga tao. Medyo nabawasan na ang dami ng bisita pero may mga iilan na di parin natinag sa dati nilang pwesto. Nandun parin sila, kung saang sulok ko sila nakita at masayang nakukwentuhan.

Dumiretso naman ako doon sa kumpulan ng nga tao kung saan nandon ang birthday boy. Nakita ko rin si Warren na kumakaway at tila sinasabing doon ako umupo. Bukod kasi dito ay may iba pang kumpulan ng inuman sa kabilang side. Sabagay baka iba pang barkada ni Cholo or kaya naman relatives nya yung iba doon.

Umupo naman ako sa tabi ni Warren. Pansin kong namumula na agad ito. Malakas naman ang tolerance nito sa alak pero yun lang, mabilis syang mamula.

"Hoy! Warren wag kang maglasing, magdadrive ka pa!" paalala ko naman dito.

Kaya ko naman kasing magdrive kaso lang ayoko lang naman na ako pa ang maghatid sa kanya. Syempre pagdating sa kanila maiiwan nako. Wala nakong masasakyan pabalik kaya sure sa kanila ko matutulog. Lakas pa naman maghilik neto.

Lumipas ang oras at nakakarami na sila ng naiinom. Oo, sila lang. Hanggang ngayon ay hawak ko parin itong pangalawang red horse in can ko. Di naman ako masyadong pala inom siguro noong third year madalas kaming magwalwal ng kaibigan ko.

Oo may kaibigan ako sa school ano! Hindi lang naman si Warren ang friend ko. Meron ding mangilan ngilan sa room, si Irish kaso lang di sya pumasok nitong buong linggo dahil umuwi kasi sila ng Cebu. At si Nicky nagstop kasi sya, dahil nabuntis. Nakakapanghinayang lang at graduating narin sana sya ngayon. Namiss ko tuloy ang isang yon, hindi ko na kasi sya nakikita eh. Malaki na siguro ang tiyan nya?

Habang lumalalim ang gabi ay nababawasan na ang mga bisita. Maya maya lang pansin naming magsisiuwian na yung mga nasa kabilng table.

Kami man dito ay nababawasan na, kanina lang ay nagsi-uwian na yung ibang team mates nila Warren sa swimming kaya dumami na rin yung mga bakanteng upuan.

Hinatid naman ni Cholo ang iba sa kanila sa may gate at para magpasalamat dito.

Pagbalik ni Cholo ay inalok nalang nya na sumama samin yung mga natitirang umiinom sa may kabilang table. Tutal kami kami nalang din naman yung tao dito eh.

"Pre! Dito na kayo samin oh. Dalin nyo nalang yung inumin nyo dito at sa amin na kayo sumama" alok naman ni Cholo dito.

Tumayo naman sila at sa aming table na nga nakisama.

Pinakilala naman ni Cholo yung mga pinalipat nya. Mga kateam pala sila ni Cholo sa Volleyball. At pinakilala nya rin si...

Holyshit! ngayon ko lang napansin na kasama pala nila yung lalaki sa banyo, oo si slurpee guy.

"Guys, eto nga pala sina Luke, Vincent at Edward mga team mates ko sa Volleyball at eto naman si Grecko, bestfriend ko 'classmate ko sya nung highschool at bago lang sya sa University natin, part nadin sya ng Basketball Varsity team." mahabang pakilala ni Cholo dito.

Love Lies  [BoyxBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon