Nandito na ko ngayon sa apartment at kasalukuyang nakahiga na sa kama ko. Hindi ko parin lubos maisip kung paano ko natagalan yung inuman kanina.
Yung mga tinginan din naman kasi nung Grecko na yun para kong nahuhubaran eh.
Mabuti at hindi naman nalasing si Warren kaya naman nagawa nya pa akong ihatid dito ng matiwasay. Pero sa tingin ko, ako yung hindi magiging matiwasay kung di pa kami umuwi at mananatili pa ako doon habang tinititigan ni Grecko.
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng gabing yon. Palagi ko kasing naiisip yung titig nang Grecko na yun. Kung paano nya kagatin yung labi nya? ang smooth lang grabe.
Shet! ano ba yung sinasabi ko!
..
Sunday na naman. Syempre gumawa muna ko ng gawaing bahay then kumain narin ako ng almusal.
Nagtiklop muna ko ng iba kong damit na nilabhan ko kahapon. Maaga rin akong naligo para makapamalantsa na ng uniform ko. Kumain muna ko ng lunch at naghugas ng pinggan bago ko gawin ito. Mas pinili ko nang maaga mamalantsa kesa naman sa gabi dahil tatamarin nako nun for sure.
Medyo hapon na nung matapos akong mamalantsa so nagpahinga muna ako sandali. Nag-isip ako kung may dapat paba akong gawin or may dapat pang asikasuhin at sa pagkakatanda ko ay wala naman.
Sa huli ay naisipan ko nalang manood ng series. Naalala ko naman si mommy. Kung di pa nya patayin yung laptop ay hindi pako matitigil sa panonood ng mga tv series na yan. Medyo nakahiligan ko din kase influence narin ng mga classmates ko. American Series ang mas gusto ko medyo naduduling kasi akong magpabalik-balik ng tingin sa pagbabasa at panonood kapag mga KDrama dahil sa mga subtitles Lol. Pero keri padin naman, lalo na kung ang popogi naman nung bida sa Kdrama at kung maganda naman yung story ay nakakawala parin ng pagod ko at stress sa school hehe.
Sa ngayon papanoorin ko muna yung season two ng 13 Reasons Why. Medyo late na nga ako eh dapat tapos ko nato kaso lang naging putol putol yung panonood ko nito. Ang dami kasi ng gawain last sem sumabay pa yung OJT namin kaya no time for this mga beh.
Haysss kawawa naman ako. Hug nyo ko.
Medyo kinikilig naman ako sa bromance ni Alex at Zach. Hello sa mga Zalex shippers jan! Hehe, ang cute lang mag-care ni Zach kay Alex.
Alas onse nako ng gabi natapos at walang tigil yun ah? Straight ko pinanood.. sa bagay episode 5 nako nagsimula. Kumain naman muna ako ng hapunan at muling nanood kaya inabot nako ng ganong oras.
Pinahinga ko na yung laptop ko at nagtoothbrush para narin makatulog na ako. Di muna ako naghilamos dahil baka naman mapasma pa ako.
...
Monday na naman ang pinaka favorite kong araw sa buong linggo. *insert sarcasm here*
Tinatamad talaga kong pumasok tuwing monday. Mabuti nalang at dalawa lang ang subject ko for today.
Nagtext naman tong Leader namin na kung maaari daw mag interview ulit kami. Dapat daw ay may matarget kaming at least dalawang sports each day para sa susunod ay editing nalang ng video ang gagawin namin.
Antok na antok ako dito sa school. Medyo napuyat nga ako kagabi sa kakapanood ng series.
Breaktime namin at kasama ko si Irish. Sa wakas nakabalik na sya from Cebu. Ang hirap kaya maging loner sa room.
BINABASA MO ANG
Love Lies [BoyxBoy - COMPLETED]
RomanceTimothy, an NBSB gay guy who accidentally met this stranger that costs him nothing but annoyance. He was so irritatated on the way this guy looks at him, the way he talks, his presence or should I say the whole guy itself. The world become smaller f...