Love Lies 61

2.4K 75 7
                                    

Sobrang busy ko ngayon dito sa opisina. Kaliwa't kanan ang nga blueprints at contract dealings na para sa mga client namin ang inaasikaso ko.

Di na nga kami nakakapag-usap man lang sa chat ng mahal ko. Alam ko sobrang busy narin sya sa school nitong mga araw na'to. Kaya naiintindihan ko naman kung medyo nawawalan kami ng time makapag-usap at makamusta man lang ang isa't isa.

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung makauwi ako. Kakakumpleto ko lang sa hours of intership ko nung isang araw. Pero bago pa man matapos yung On The Job Training ko ay nagpa-abiso na kaagad ang Daddy na huwag muna daw agad akong umuwi. Mag-stay pa muna daw ako rito hangga't matapos ko ang lahat ng ginagawa kong trabaho.

Alam ko naman yon na may mga bagay pakong kailangang asikasuhin bago ako tuluyang umalis dito. Kaya sa ngayon ay konting tiis lang muna ang kailangan ko.

Actually naging magaan ang naging takbo ng trabaho ko matapos ang naging paguwi ko. Nagkausap naman kami kahit papaano at sa tingin ko ay sinusunod naman ni Timothy ang bilin ko sa kanya.

Wala talaga akong tiwala sa lalaking yon.

Nagsabi rin ako sa bestfriend kong si Cholo na bantay bantayan nya si Timothy habang wala pa ako. Medyo nagtataka nga sya kung bakit, pero sabi ko concerned lang ako at para malaman ko rin yung mga ginagawa nya sa twing di kami nagkakausap.

Katatapos lang ng meeting namin sa bago naming client at masaya akong naisara namin ang deal at may bago na naman kaming project na naka-linyang gawin.

Nag-aya si Tito Rick ng celebration. Para narin daw mag chill at mag-pahinga man lang from work.

Agad naman akong pumayag.

Kumain muna kami sa isang restaurant bago kami pumunta ng bar. Kasama namin ang iilang miyembro at part ng department na hawak ko sa aming firm.

Matapos ang dinner ay nag-aya na si Tito Rick para uminom. Sa isa 'sa mga sikat na bar dito sa busy district ng city namin naisipang mag-chill. Umuwi na yung mga babae naming kasama at natira nalang yung mga lalaking employee namin.

Sa totoo lang ay madaming inorder na beers at alak si Tito Rick. Nagsabi rin syang parang iyon narin daw ang padespedida ko bago ako umalis firm at natuwa naman ako doon.

Nakaka-ilang bote narin ako beer ng biglang mag-ring ang phone ko.

Oh shit? Nakalimutan ko nga palang magpaalam kay Timothy.

Yeah sounds clingy, pero di naman talaga namin kailangang ipaalam sa lahat ng bagay na ginagawa namin. It's just that gabi na kasi ngayon at baka naghihintay sya ng chat or tawag mula sakin.

Agad akong tumayo, medyo nahihilo nako at pinilit kong tumayo.

Pumunta ako ng banyo para doon sagutin ang tawag.

"Hello baby" pagbungad ko sa tawag.

"Oh hi baby, missed me?" sagot naman nito sakin.

Nagtaka ako sa boses nito. Teka hindi si Timothy to. Tiningnan ko ang caller at nakita kong unknown caller pala ito.

"Sino ka?" tanong ko sa kabilang linya.

Tumawa naman ito.

"Awww nakaka-offend naman yun, tinawag mo na nga akong Baby tapos tatanungin mo pa kung sino ako?" malanding bigkas nito.

Fuck, sino ba to?

"Di kita kilala, wrong number ka ata" matabang kong sagot dito at papatayin na sana ang tawag.

"Wait wait, you're so hot tempered talaga. I like it!" maarteng sabi nito.

"Miss sino kaba? Di kita kilala" bwisit kong sagot dito.

Love Lies  [BoyxBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon