"Ano okay lang ba?" tanong ko dito kay Irish habang suot suot ko ang isang black jersey.
"Yes besh! Tamang tama lang yung pagkaka-fit sayo" balik sakin nito.
Isang Jersey na may nakalagay na MARASIGAN at number na 00 sa may likod.
Eto yung kinalabasan ng plano namin ni Irish. Hindi naman kasi ito yung original plan na binulong ko sa kanya eh. Sabi ko lang is balak kong isurprise si Grecko after ng game nila.
Si Irish nalang yung nagsuggest ng ganito dahil laos na daw yung mga ganoong klaseng surpresa na naiisip ko. Mas maganda daw at sure na maa-appreciate ni Grecko kung related sa kanya yung bagay na gagawin ko.
Naisip ni Irish ang tungkol sa Jersey, since Grecko is into basketball mas nakakatuwa daw na doon ko ilagay yung surprise ko.
MARASIGAN 00, means MARASIGAN "OO" sinasagot na kita. Yes tama kayo, balak ko nang sagutin si Grecko bukas. Ayoko na kasing pahabain pa ito.
Shet! tuluyan na talaga kong nilamon ng sistemang Grecko Marasigan.
Hay, sana lang talaga manalo sila, baka kasi mabadtrip sya kapag natalo sila tapos maudlot lang itong plano ko.
Pero sabi daw ni Irish ay dapat daw manalo or matalo ituloy ko daw yung plano ko. Nandyan na daw eh' might as well gawin ko na. For sure daw kahit anong kabadtripan pa ang mangyari magiging good mood daw ito sa magandang balita na sasabihin ko.
Saka sa totoo lang.. Tatlo kasi tong jersey na pinagawa ko. Yung dalawa dun ay para samin ni Grecko. Para syang couple jersey, nakalagay yung surname nya para sakin, at yung surname ko para sa kanya at yung number naman nung jersey is yung date bukas. Kaya kung mauudlot talaga yung plano ko bukas ay lagot na, sayang naman tong effort ko ano.
Ayoko namang i-cancel pa at sa susunod na buwan ko pa ito gawin ulit sa kanya. Para lang sumakto sa number nung date na nakalagay sa jersey.
NO! Hindi ko na kayang maghintay.. mababaliw ako! lol
Kaya sige, push na natin to mga momshie.
...
Ngayon na ang araw ng game nila Grecko. Medyo paos nako pero kinikilig, dahil ba naman kapag nakaka-shoot si Grecko ay sakin sya tumitingin may nalalaman pang pagkindat after maka-score.
Hihihi enebe!
Halos maubos ang boses ko kakahiyaw at pagcheer sa kanila. Syempre di lang naman sya yung pinagchi-cheer ko ano? Buong team din naman, pride kaya ng school namin yung nakasalalay dito.
"SOAR HIGH! MIGHTY PHOENIX, GO GO GO!"
pagsabay namin ni Irish sa mga estudyante na humihiyaw dito.Fourth quarter na at talagang nagkakainitan na sa laro. 85-92 ang score in favor of guests. Kaya kailangan naming humabol para sa laro.
Babad si Grecko sa loob ng court. Pawis na pawis na ito at hingal na hingal sa pagod dahil sa intense na laban.
Sinunod naman nya yung utos ko na mag dri-fit sya under ng jersey nya para di masyadong expose yung braso nya. Dami kayang na nonood dito.
Kanina pa nga din ako naiirita eh' dun sa mga babae na tiga university na kalaban namin. Paano ba naman sumisigaw at kay Grecko na nagchicheer?
"Go number Eleven!" daw.
Naka jersey number 11 kasi si Grecko which is birthday naman nya.
WHAT THE FUCK! mahiya naman kayo sa school nyo ano?
Diko na napigilan at lumaban naman ako ng sigaw dun sa mga babaeng iyon.
"GO, GRECKO BABY!!!" sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Love Lies [BoyxBoy - COMPLETED]
RomanceTimothy, an NBSB gay guy who accidentally met this stranger that costs him nothing but annoyance. He was so irritatated on the way this guy looks at him, the way he talks, his presence or should I say the whole guy itself. The world become smaller f...