Love Lies 32

3.5K 106 1
                                    

Wala padin syang imik sakin.

Grabe di ko naman sinasadyang sabihin yun eh.

"Huy, sorry na baby pleaseeee?" paglalambing ko sa kanya.

"Tsssss hindi nakakatawang biro yun Timothy ah? wag na wag mo ng uulitin yun!" pagpangaral nya sakin.

"Opo, boss" sagot ko naman sa kanya.

"Saka yung sinabi mo nga pala kanina, hindi ba talaga natin gagawin yun?" pagtatanong nya ulit.

"Hindi nga! Tssss kulit mo ano? Sorry na rin kung sinabi ko yun. Ikaw kasi eh ayaw mong tumigil kanina eh, akala ko tuluyan ka ng lalabas ng pintuan" pagpabebe ko sa kanya.

Napailing nalang sya sakin

"Come here to me, Baby" hinila nya ko at niyakap.

Nakaupo kasi kami ngayon sa couch.

"Baby..." sabi ni Grecko.

"Ano?" tanong ko naman.

"Seryoso kaba talaga di na natin gagawin yun?" pagulit nya ulit.

"Tssssss!" naiinis nako ah.

Tumawa naman sya. Gustong gusto nya talagang inaasar ako.

"Magdamit kana nga jan!" sabay bato ko sa kanya nung tshirt nyang hinubad kanina.

Pero shet! bakit ko ba binigay agad sa kanya yun, di ko man lang naamoy at nasinghot yung amoy tssss. Lol

Kung akala nyong sinuko ko na ang bataan kanina, pwes nagkakamali kayo.

Tinakot lang ako ni Grecko kanina kaya hinubad nya yung shirt nya. Medyo nainis pa nga sya eh, wag daw akong magbibitaw ng salita na hindi ko naman kayang panindigan. Lakas daw ng loob kong mag-aya, ako naman pala yung titiklop.

Putangina lang? Eh kung tirahin ko kaya sya magdamag jan! hanggang maubos ang lakas nya! Tingnan natin kung sino ang lulupaypay samin!

SHET TIMOTHY!
YOU'RE SO BOGMALI NA TALAGA!
UGHHHHH!!!!

Pota nahahawa nako kay Irish. Haynako!

Pero infairness naman effective yung sinabi ko na yun ah? Napigilan ko yung pag-alis nya haha.
At syempre ginamit ko na yung opportunity na yun para makahingi ng sorry sa kanya. Ayoko naman kasing umuwi sya nang hindi kami nagkakausap. Ayokong matapos tong araw na to na hindi nya ko napapatawad. Di lang ako makapaniwala na first LQ namin ay ako pa yung may kasalanan. Lol

Siguro mas kailangan kong maging sensitive kay Grecko.

Tama nga si Tita Betina. Mukha syang matapang at palaban sa labas pero ang totoo malambot din sya loob at may mga kahinaan. Dapat mas maging appreciative ako sa mga maliliit na bagay at efforts na ginagawa nya sakin.

Siguro I've learned my lesson naman na, at gagawin ko yun para mas lalong tumibay yung relationship namin.

Pagpasensyahan nyo naman din kasi ako. First boyfriend ko eh' so di pako sanay maghandle ng relationship hehe!

..

Balik eskwela at ang dami naming tambak na gawain dahil nga walang klase noong nakaraang linggo.

Wednesday ngayon at naisipan naming bumisita kay Nicky, kaibigan namin ni Irish.

"Bakla!!!! Namiss kita" patakbong sumugod si Irish at niyakap ito.

"Namiss din kita bes, pero wait lang muna bes! Yung tiyan ko maiipit" react naman ni Nicky.

"Ay! Sorry hehe, naexcite lang naman" pagpaumanhin dito ni Irish.

Love Lies  [BoyxBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon