Love Lies 59

2.3K 73 1
                                    

Grecko's POV

Wala ako sa mood para magtrabaho.

Sino ba namang gaganahan pumasok ngayong araw na'to?!

It's fucking Valentines Day?! Pero magkalayo kami sa isa't isa. Tsssss

Wala kaming date, hindi kami magkikita!

Fuck! Tangina! Miss ko na ang Timothy ko!

Yeah, call it clingy or what! Shet, gustong gusto ko na talagang matapos tong internship na to para makabalik na ko.

I missed him so much.

Kaya nga idadaan ko nalang sa regalo ang pangungulila ko sa kanya.

Nagready ako ng mga regalo at pinadala ko sa kanya, mapasaya ko man lang sya ngayong araw na ito.

Actually, idea ito ni Cholo eh. Nakausap ko kasi sya nung nakaraan then ayun nagsuggest sya na kung hindi raw ako makaka uwi, at least magbigay man lang ako ng gift to make it special and memorable.

Tsssss, minsan talaga di ako naniniwala sa mga lumalabas sa bibig ng lokong yun eh, pero this time sinunod ko sya.

Alam ko naman ang mga gusto ni Timothy. Kaya naman hindi na ako nahirapan pa sa mga pinamili ko para sa kanya.

Naging masaya naman ako sa pagtatapos ng Valentines. Kung kanina ay batrip ako sa office? lahat ng iyon ay nawala dahil narin sa naging pag-uusap namin ni Timothy.

Katatapos lang naming mag-usap sa video call ng baby ko.

I wasn't expecting a surprise from him but he manage to make efforts to make this day special. Natuwa talaga ako.

Napa-iyak pa nga ako sa sobrang tuwa at pagka-miss sa kanya eh. Napagaan nun ang pakiramdam ko somehow at medyo naglighten up ang mood ko kahit papaano.

...

Lunch break namin ngayon pero nandito parin ako sa office ko at nagaasikaso ng mga plans at contracts.

Bigla namang tumunog ang phone ko dahil sa isang text.

Galing yun kay Tito Rick na kaibigan ni Daddy, dito rin sya sa firm namin nagtatrabaho.

Pinapababa na nya ako para kumain ng lunch.

Sila kasi talaga yung mga kasabay ko tuwing lunch break kasama ng ilang empleyado.

Pinakiusap ata ni Daddy sa kanyang bantayan at samahan ako, lalong lalo na nung mga panahong bagong dating palang ako rito.

Saglit pa ay sunod sunod ang tunog mula sa phone ko.

Mukhang hinihintay nga talaga ako nila Tito Rick na kumain.

Agad ko rin namang itinabi ang mga ginagawa ko para narin makababa na.

Kinuha ko ang wallet ko ganun narin ang phone ko na nasa ibabaw ng table ko.

Palabas na sana ako ng pinto ng office ng mapansin kong hindi naman pala si Tito Rick ang nagtext.

Mga notifications pala na galing sa messenger app kaya tumunog ang phone ko.

May sarili naman kasi akong modem dito sa office kaya palagi akong connected sa internet.

Nacurious ako kung sino naman kaya ang magcha-chat sakin?

Agad kong pinuntahan ang messenger ng phone ko.

Message Request lang to galing sa isang account.

"Camille Fernandez?"

So ano namang pakay ng babaeng ito?

Love Lies  [BoyxBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon