Love Lies 46

2.9K 91 1
                                    

"Besh, ano bang magandang regalo sa guy?" nagulat ako sa biglang itinanong ni Irish.

"Huh? Sa lalaki? baket para saan? Saka hoy! Sino naman yung pagbibigyan mo? aber!" balik ko namang tanong sa kanya.

"Wow huh? Salamat sinagot mo yung tanong ko! Nagtanong lang ako, inulan din ako ng tanong pabalik? Ayos ah!" asar nyang tono.

"Eh gaga kaba naman kasi, bakit ka naman magreregalo sa lalaki? Syempre magugulat ako! Although alam kong maharot ka at kayang kaya mo nga talagang magbigay ng regalo sa lalaki. Pero ang nakakagulat lang ay kung sino ang pagbibigyan mo?" pang iintriga ko sa kanya.

"Taena mo friend ganun bako kalandi? LOL!
Saka bakit ba 'G na G ka jan? Sinabi ko bang ako yung magbibigay ng regalo sa lalaki huh? Wala naman diba? Tinanong lang kita, actually para kay Ate Issah yun eh, nagpapa-isip sakin ng magandang regalo para sa asawa nya" pagpapaliwanag naman nito sakin.

Oo nga pala may kapatid si Irish, ang Ate Issah nya. May asawa narin ito katulad ng ate ko Tifanny ko.

"Lol, bat di mo kasi sinabi agad? Para saang okasyon ba?" tanong ko naman dito.

"Wow! Eh paano ko namang masasabi, eh tamang hinala ka kaagad dyan! Anyway para sa upcoming Valentines day, since unang taon daw nila magcelebrate bilang mag-asawa ng Valentines gusto nya special yung regalo nya kay Kuya Oliver. So, ano nga ang magandang ibigay?" tanong nya ulit sakin.

Ah, para sa Valentines naman pala eh.

"Ewan ko" simpleng sagot ko sa bruha.

Agad naman akong nakatanggap ng hampas mula sa kanya.

"Aray! Ano ba!" inis kong sabi.

"Tangina ka, tanong tanong ako sayo ng matino tapos sasagutin mo ko ng 'ewan ko?!" bwisit na sabi ng gaga.

"Eh malay ko naman kung ano ba gusto ng ate mo, or trip nung asawa nya diba? Saka ako nga eh' wala pang pangregalo kay Grecko. Tapos uunahin ko pabang intindihin yan?" bwelta ko naman sa kanya.

"Oo na sige na! Shet, ipamukha mo pa saking ikaw na may lovelife!" sabay irap ng gaga.

Napatawa nalang ako sa inasal ng bruha. Kung bakit kasi naging pabebe patong friend ko na ito eh, edi sana may jowa narin sya ngayong Valentines.

"Alam mo friend, kung bakit kasi di mo nalang jowain si-- ARAY!!" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla naman akong hinatak ni Irish patungong library.

"Hoy! Ano ba? Grabe ka namang makahila baklang toh! Pipigtasin mo ba yung braso ko!" inis kong sabi sa bruha.

"Puta nalintikan na!" biglang inis na sabi ni Irish.

Nagulat naman ako sa sinabi nitong babaeng ito. Masama ang tingin ng bruha kaya't sinundan ko ng tingin ang mga mata nya. Doon nakita ko kung sino ang tinutukoy nito.

Kita ko si Edward na may kasamang babae.

Palabas na sila ng library, kita ko rin kung pano alalayan ni Edward yung babae dahil kinuha pa nito ang iba pang librong hawak nung girl pati narin yung paper bag nitong dala.

Parehas pa silang nakasuot ng bag kaya malamang ay nagkasabay siguro sila sa pagpasok.

"Tangina bwisit na yan!" malutong ulit na mura ni Irish.

Medyo nagugulahan at the same time ay naiintriga naman ako sa inaasal ng babaeng ito?

Bakit ganun nalang sya makareact dun kina Edward at sa girl? Oh my gosh! Don't tell me???

"Sis? May gusto kana ba kay Edward?" diretsong tanong ko sa kanya.

Tumaas naman ang kilay ng babaeng ito sa tanong ko.

Love Lies  [BoyxBoy - COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon