Nagising ako sa isang katok mula sa pintuan sa labas.
Parang tinatamad akong pumasok ngayon. Masama kasi ang panahon.
"May bagyo kaya?" tanong ko sa sarili ko.
Agad naman nakong nagbihis upang pumunta sa may pintuan.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko naman si Madam Fely na may kasamang lalaki.
"Oh, Timothy! Hinahanap kanya eh' mukhang may padala para sayo" pagbungad nito sakin.
"Para sakin po ba yan?" takang tanong ko.
"Opo, kayo po si sir Timothy Guevarra right?" paninigurado nitong lalaking nakadilaw at puti na uniporme.
"Ako nga po, bakit po?" takang tanong ko.
"Ah eh. Timothy? Mauna nako ah. Hinatid ko lang naman sya dito eh, sige baba nako." paalam ni Madam Fely saamin.
Tumango nalang ako bilang sagot.
"Package po, para po sainyo sir" pagpapaliwanag nung lalaki sakin.
Oh? Eto na siguro yung sinasabi ni Mommy na pinadala nila. Regalo daw ni Daddy sa pagkaka-promote nya.
"Ah, okay po" sagot ko dito.
"Sir, papirma nalang po dito sa ibaba" utos nito sakin.
Pinirmahan ko yung inabot nyang papel sa akin at aalis na sya.
"Ingat nalang po kayo Kuya! Malakas ang ulan" pagbilin ko dun sa nagdeliver.
Ngumiti naman ito sakin at tumango.
Grabe ang lakas pala ng ulan sa labas. May pasok pa kaya kami?
Umupo ako sa dining para doon buksan ang package. Excited nako dahil ngayon lang ulit ako makakatanggap ng regalo kina daddy at mommy.
Binuksan ko ang kahon at tumambad sakin yung mga chocolates at pagkain na galing Canada.
Okay? Mukhang may magiging stocks ako dito ah.
Hinalukay ko pa yung box at may ilang shirts akong nakita doon.
Natuwa naman ako sa mga damit na yon.
Pero may isa pang maliit na box na nakabalot pa sa wrapper. Woah? May pag ganito pa ah?Laking gulat ko na iphone ang laman ng kahon.
"Shet! Latest to! Ang mahal nito ah!" manghang mangha ako.
Agad naman akong nag-online sa facebook at minessage si Mommy para magpasalamat sa regalo nila ni Daddy.
Nag-isip pa ako, kung gagamitin ko ba agad yung phone dahil maayos pa naman yung kasalukuyang cellphone ko. Pero since bigay yun nila daddy at alam ko gusto nyang ginagamit ko yung mga binigay nya, kaya nilipat ko narin yung sim ko dun sa bago kong phone.
"Shet, wala man lang texts kung may pasok ba or wala" naiinis nako.
Di ko tuloy alam kung maliligo ba ako or hindi na. Feel nyo ko?
Alam nyo yung masama yung panahon tapos wala pang announcement ng suspension? Tapos hindi mo alam kung maliligo kaba para gumayak. Lalo na't isang struggle ang pagligo kapag ganitong tag-ulan lol.
Tinawagan ko naman si Irish at tinanong kung papasok ba sya.
"Bes! Papasok kaba?" tanong ko dito.
"Di ko alam bes, wala pang annoucement eh" sagot naman nito.
"Ikaw ba? Papasok kaba?" tanong nito sakin.
"Di ko rin alam eh?" sagot ko dito.
"Eh, wag nalang kaya tayong pumasok?" pagaaya nito.
BINABASA MO ANG
Love Lies [BoyxBoy - COMPLETED]
RomanceTimothy, an NBSB gay guy who accidentally met this stranger that costs him nothing but annoyance. He was so irritatated on the way this guy looks at him, the way he talks, his presence or should I say the whole guy itself. The world become smaller f...